PAKKK!!!
Hinampas ko ang aking hita nang makaramdam ako ng munting pagtusok dito.I let my palm rest on it as I wait for the stinging to fade.Pag-angat naman ay hindi nga ako nagkamali.May napatay akong isang lamok.Medyo huli na sapagkat nakuhanan na ako nito ng kaunting dugo.
Nilibot ko tuloy ang paningin ko sa cabin. May iilang lamok na ang umaaligid dito sa kwarto namin.Sinundan ko ang direksyon ng pinanggagalingan nila at napako ang ulo ko sa mga nagkukumpulang damit sa basket.Doon kasi nakatambak ang mga hindi pa nalalabhang damit kaya kung pamugaran ito ng mga lamok ay wagas.
Tinignan ko ang kondisyon ng araw kung gaano kainit ang panahon ngayon.Nang matantiya ang temperatura nito mula sa bintana ay kaagad ko nang sinarado ang laptop ko.It's actually the perfect time of the day to do laundry.Bibilisan ko na lang ang paglalaba para mabilad ko na ito sa araw at matuyo kaagad.
Hinawi ko muna ang mga lamok sa aking damitan bago ito buhatin.Medyo may kabigatan dahil mahigit isang linggo nang naipon ang mga ito.Dapat siguro talaga ay mas madalas ako kung maglalaba para hindi naman ako natatambakan ng mga damit. Nakakangalay pa naman ang sunod-sunod na labada.
Sa kabilang dako ay napansin ko naman ang damitan ni Paco.Kahit na parehas lang kami ng araw ng paninirahan dito ay hindi ko maipagkakaila na mas marami ang mga labada niya kaysa sa akin.Halos gabundok na ito at malalaglag na sa basket.Mas nilalangaw din ito dahil lagi siyang pinagpapawisan sa araw-araw.
"Paco tambak na itong mga maduduming damit mo."Nilingon ko siya sa kaniyang kama pero tila hindi ako nito narinig. Busy kasi ito kakakalikot sa kaniyang cellphone.Kanina pa rin malawak ang ngiti nito at halatang may kausap mula sa kabilang linya."Pacooo!" Nilakasan ko pa ang sigaw ko pero nanatili at sa pagtataingang-kawali.Kapag siya talaga tuluyang naging bingi ewan ko na lang. "Hoyyy!"Kumuha ako ng damit mula sa basket saka pinukol ito sa kaniyang ulo.
"Ano ba iyon!?May kausap ako eh..." Ni hindi man lang ako nito tinignan at muling hinagis sa akin pabalik ang damit.Kung hindi ko pa ito nasalo nang maayos ay tatama pa sa mukha ko ang amoy pawis niyang damit.
"Kailan mo ba balak maglaba?Nilalamok na kasi tayo oh!"Turo ko sa mga insektong pumapaikot sa madudumi niyang damit.Alam ko namang may pagkasalaula ito lalo na't anak mayaman pero huwag naman sana ganito.Wala kaya siyang katulong dito.
"Hindi ako marunong maglaba eh.Isama mo na yung akin.Babayaran na lang kita.Pleaseee!"Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.Aba'y medyo makapal na yata ang mukha niya.Hindi naman porket nag-uusap at semi-friends na kami ay aabusuhin niya na ako noh!Tsaka wala sa usapan na magiging labandero ako ng isang rich spoiled brat na kagaya nito.
"Mukha ba akong maid?Kung hindi ka marunong maglaba tuturuan kita kaya sumabay ka na sa akin dito sa banyo dali!"Alok ko sa kaniya sabay nguso sa banyo.Hindi naman ganoon kahirap ang paglalaba eh.Elementary pa nga lang ako marunong na ako maglaba.Basta tamang babad, kusot at banlaw lang ang aalamin niya ok na iyon!
"Mamaya na lang!Ka-text ko pa si Isabelle eh."Napakamot ako sa ulo dahil sa kunsumisyon.Mamaya siya nang mamaya hanggang sa hindi niya na magawa itong pinapagawa ko.Alam na alam ko na iyang mga ganiyang delaying tactic.Sino ba namang tao ang hindi nakapagsabi ng ganiyang alibi noong kabataan.
"Puro ka na lang Isabelle!Araw-gabi siya na lang ang bukang bibig mo lagi." Naiinis na ako sa kaniya.Lagi na lang siyang ganito.Isabelle riyan Isabelle roon. Kung alam ko lang na magkakaganiyan siya edi sana hindi ko na siya tinulungan noong una pa lang. Puro harot at landi na lang ang nasa loob ng utak nito kaya nakalilimutan niya na yung mga responsibilidad niya rito sa cabin.
"Bakit ba ang init ng ulo mo?"Bumaba na siya sa kama sabay lapit sa akin. Ipinatong niya ang kamay niya sa akin upang hawakan ang ulo ko."May mens ka ba ngayon?Kung mayroon manghihingi na lang ako ng hot compress sa clinic para..."Hinawi ko ang kaniyang kamay saka pinanlisikan siya nang mata.Naiinis na ako nagbibiro pa ito ng ganoon eh. Literal na mag-iinit talaga ang ulo ko sa lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Into The Wilderness (BxB)(BL)
RomanceJulian Sarmiento has always been a happy go lucky kid.Though may pagka-introvert ito dahil lumaki itong isolated sa bahay. Sa kabila ng pagkakakulong sa apat na sulok ng bahay ay hindi ito naging hadlang upang mas makilala ni Julian ang sarili. Mala...