"Dalawa lang tayong magkasama rito." Wika ko habang nakahiga sa kama at hinihimas ang aso. Kadalasan, sa sahig o sa kulungan natutulog si Summer, pero ngayong gabi na walang kasama ay parang gusto ko siyang itabi sa aking paghiga.
Whimper...
"Nasa guest room si daddy. Doon muna siya magpapalipas ng panahon." Maging ang alaga namin ay nangungulila kay Paco. Anong gagawin ko kung ayaw niyang umuwi rito? Hindi ko nais magmukhang desperado kapag pinilit ko siyang bumalik.
Huff! Huff!
"Ewan ko ba. Dapat susuyuin ko siya dahil sa nagawa kong kasalanan pero noong tinanggi niya ako sa pamilya niya, parang pati ako ay nagtatampo na." Malungkot kong sabi na parang nauunawaan ng asong kausap. Tanggap kong dalawa na kaming nagkasala sa isa't-isa subalit malayo pa kami sa pagiging patas. Hindi hamak naman na mas mabigat ang ikahiya niya ang kasintahan kaysa sa kawalan ko ng oras sa kaniya.
Grrr!
"Huwag ka mag-alala, Summer! Magkakaayos din kami ni daddy. Hintayin lang siguro natin na humupa ang kaniya-kaniyang sama ng loob." Tanging oras lang ang makapagsasabi kung ano ang kahihinatnan namin, pero sana, huwag naman ito masyadong magtagal lalo't nalalabi na ang mga araw namin dito sa La Tierra Firma.
Click!
Muntikan nang lumuwa ang kaluluwa namin ni Summer dahil sa sobrang gulat. Sinong hindi mabibigla? It's supposed to be quiet under the gloomy night, yet the door just sprang open. Dalawa lang kami ng aso ko rito kaya sinong magpipihit ng pinto? Wala naman akong inaasahang panauhin. Could it be a ghost?
"Doggy!" Mula sa isang sulok ay ang malugod na pagpasok ni Dion dito sa cabin. Kasunod ng paslit ang kaniyang Tito Paco habang may bitbit na Disney Princess bag sa balikat. Perhaps that is where she keeps her things.
"A-akala ko sa guest room kayo tutuloy?" Bagamat may alitan kaming pareho, wala akong choice kung hindi ang kausapin si Paco. Sinubukan ko pang hanapin ang dalawa niyang kapatid at si Lara ngunit hindi ako nagtagumpay. Basically, it's just the two of them.
"Apparently, doon daw matutulog sina Ate Gladys at Kuya Oliver. Hindi na kami magkakasya kung makikisiksik pa ako roon." He answered casually as if the two of us are in good terms. Siguro'y pinilit niya lamang isantabi ang 'di pagkakaunawaan dahil kasama ngayon ang pamangkin. That's perfectly sensible because he wouldn't want her niece to be involved in our dispute.
"What about Dion?" Tukoy ko sa batang babae na kasalukuyang nasa aking kama at nilalaro si Summer. Will she be staying here with us?
"Sa akin muna siya ipinaubaya ni ate. Hindi kasi siya matututukan doon dahil may trabaho sila." So babysitter pala ang ganap niya ngayon. That doesn't seem to be a problem since they have a strong and close relationship. Dagdag bonding din ito para sa kanilang dalawa. Plus, I'm more than willing to help if he requires assistance.
"Ano pong name niya, Kuya Julian?" Bumaba ang tingin ko sa batang nagsambit ng aking pangalan. Masarap pala sa pakiramdam ang matawag na kuya. Sana ganito rin ka-cute ang magiging kapatid ko.
"Summer ang pangalan niya, Dion." Hinimas ko ang buhok ng bata saka hinayaan siyang harutin ang aso. Ayon sa nakikita ko, mahilig din ito sa mga hayop. Most children her age would've been terrified of Summer's aggressive yet playful manners, but here she is, enjoying the dog's company.
"Wow! You even have toys." Nananabik niyang tinuro ang stuffed giraffe at koala ko na sina Raffie at Kooky. Sa halip na mangamba dahil maaari niya itong masira, ako pa mismo ang nag-abot nito sa kaniya mula sa sofa. "Can I sleep beside you, Kuya Julian? Ang dami niyo pong magagandang gamit dito!" Natawa naman ako sa suhestiyon ni Dion. Madali talagang masilaw ang mga bata pagdating sa laruan.
BINABASA MO ANG
Into The Wilderness (BxB)(BL)
RomanceJulian Sarmiento has always been a happy go lucky kid.Though may pagka-introvert ito dahil lumaki itong isolated sa bahay. Sa kabila ng pagkakakulong sa apat na sulok ng bahay ay hindi ito naging hadlang upang mas makilala ni Julian ang sarili. Mala...