Chapter 34 ⛺

209 8 0
                                    

"Oh bakit ikaw lang mag-isa?" Bungad nila sa akin nang makitang wala akong kinakasama pagdating dito sa tagpuan.

"May panibago kasing aasikasuhin si Paco." Paliwanag ko habang hinihimas ang batok. Mukhang tinatamad pa silang maglakad kaya nakiupo muna ako sa isang tabi. The hot but bearable heat from the sun reached onto my skin making me move towards the shady tree.

Matapos ang nangyari sa cabin ay nagpaalam si Paco na may gagawin. Hindi ko alam kung ano iyon pero labis akong nakararamdam ng pagkabahala. Nagbato siya ng suhestiyon na dapat naming unahan si Roxy at alam kong tototohanin niya ito. He's not the kind to joke about these things. Paniguradong mamaya ay may pasabog na ito bago lumubog ang araw.

Hindi naman sa tutol ako sa nais niya. I'm actually in favor of his idea. Mas mabuting sa amin na mismo manggaling ang balita kaysa pagchismisan kami ng mga tao dahil lang sa paninira ni Roxy.

Ang bumabagabag lang naman sa akin ay parang masyadong mabilis ang mga pangyayari. This is only my first ever relationship. Kauumpisa pa nga lang namin kagabi pero sunod-sunod na kaagad ang mga ganap.

"Anong iniisip mo?" Puna sa akin ni Isabelle. Marahil ay batid sa mukha ko ang pag-aalangan na nadarama.

"Nalaman na ni Roxy yung tungkol sa amin ni Paco." Maikli kong paliwanag. My fingers kept fidgeting while I imagine various scenarios in my head.

"Ha!?Anong gagawin niyo ngayon? Paniguradong ipagkakalat niya iyon sa kampo." Negatibong reaksyon ni Allen. Kung alam ko lang ang sagot sa katanungan niya ay matagal na sanang napanatag ang loob ko.

"Hindi ko alam. Ang totoo niyan inaasikaso na ni Paco ngayon ang sitwasyon." Isa pa sa ikinasasama ng loob ko ay yung pakiramdam na wala akong silbi. I wanted to show him that I can be of use too!Dalawa kaming nasa relasyon na ito pero hindi man lang ako makapag-ambag ng kahit katiting na kwenta.

"Papaano ba nalaman ng babaeng iyon na mag-boyfriends na kayo?" Tanong sa akin ni Claire upang masagap ang kabuuang kwento.

"Sinabi ni Paco eh..."Napakamot ako sa ulo sabay buntong hininga. It's not like he had a choice. Tulad ng nirason sa akin ni Paco ay hindi siya lulubayan ng babae unless malaman nitong taken na siya. Either this o kailangan kong tiisin ang paglingkis niya sa nobyo ko. Syempre mas pipiliin kong ipagsabi na lang! I've had enough of hiding anyways.

"Kung ganoon siya pala ang may kasalanan. Hindi ka man lang niya inabisuhan kung handa ka na ba o hindi?" Usisa ni Nikko habang nakahalukipkip.

"Hindi niya naman intensyon ang pahirapan ako. Nadala lang siguro siya ng bugso ng damdamin." Suyo ko sa kanila para hindi sila magalit kay Paco. I don't want them to unleash their anger on him. It's not like he purposely did that to harm me.

"Just think of this as a challenge. Lahat naman ng mga magkasintahan ay dumadaan sa problema, hindi ba? Now it's completely up to you whether you consider those as a threat or an opportunity to strengthen your relationship kaya cheer up, Julian!" Ngiting payo ni Isabelle. She actually made sense! Kung walang problema na darating ay parang naglalaro lang kami ng bahay-bahayan. With conflicts in our way, we will certainly grow into a better couple and individuals.

"Tsaka hindi ka naman nag-iisa. Bukod kay Paco, nandito kami para samahan ka sa lahat kaya huwag ka kakabahan!" Kindat sa akin ni Allen sabay bigay sa akin ng thumbs up.

"Salamat!Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala kayo." Maligalig kong tugon. Words may not describe my feelings but I'm greatly thankful to them. Napabuti nila nang sobra ang pakiramdam ko. Ngayon ang tanging magagawa ko na lang ay hintayin at tanggapin ang kung ano man ang mangyayari.

Ilang sandali pa ay nakakita kami ng grupo ng mga tao na nagtatakbuhan patungo sa iisang direksyon. Anong mayroon at bakit parang nagmamadali sila?

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon