Chapter 62 ⛺

108 8 2
                                    

"Sige na po, Tito Julian!" Pagmamakaawa ng paslit habang magkadikit ang mga palad na ultimo nananalangin. She even knelt as an attempt to persuade me more.

"Can't we just play with your dolls like before? Hindi talaga naglalagay ng makeup si tito." Inangat ko siya mula sa sahig saka pinaupo sa aking hita. Matapos ang nangyaring aminan, nagpasyang lumibot ang tatlong magkakapatid sa La Tierra Firma para mas makapag-usap nang masinsinan. They actually invited me. I just declined in order to give them space and time to catch up. Isa pa, mas nais kong bantayan ang pamangkin ni Paco kaysa maglakad sa initan.

"Iyon na lang po ang lagi nating nilalaro eh." Kinamot ni Dion ang kaniyang ulo. Hindi ko rin siya masisisi sapagkat puro manika na ang nilalaro namin mula noong dumating siya rito.

"Hindi ba mas ok kung sa girls mo iyan gagamitin?" Not that makeup is exclusive for women, but I just can't be subjected to this. Sensitive kasi ang balat ko at hindi malayong tubuan ako ng tigyawat kung hindi hiyang sa akin ang ipapahid niyang kolorete. Idagdag pa ang init ng panahon kaya paniguradong madali akong mahuhulas.

"Both mom and Tita Lara are always busy. I have no one else but you..." Malungkot nitong saad na nagdulot naman sa akin ng matinding konsensya. Simple lang ang hinihiling ni Dion ngunit hindi ko pa mapagbigyan.

"Ganoon ba? Gusto mo tawagin natin ang friends ko rito? I'm sure they would love to help us!" Tiyak na malaking tulong ang maiaambag ng barkada. Allen for guru. Isabelle and Claire as models. As for Nikko, he can just provide moral support!

Dali kong inabot ang aking telepono mula sa lamesa saka pinindot ang kanilang mga contacts. Minutes passed by and there are still no responses. Nabingi lang ang tenga ko sa kakatunog ng ring.

"None of them are picking up." Siguro ay naglilibot sila sa gubat kaya walang signal? "Sandali, saan mo ba iyan nakuha? It's still sealed." Tukoy ko sa makeup kit na nakaipit sa kaniyang braso. Ngayon ko lang ito nasaksihan at siguradong hindi niya ito pagmamay-ari sapagkat kabisado ko ang laman ng bag niya. She must've gotten that somewhere.

"Nakuha ko po sa drawer ni Tito Paco." Naningkit ang aking mga mata kasabay ng pagkunot ng noo. Pinasok ko pa ang hinliliit sa tenga para masiguradong hindi ako nabibingi. Did I hear her correctly?

"Sa drawer ng tito mo?" Tumango ang bata pagkaturo ko sa tukador na katabi ng kama ni Paco. Seryoso ba siya? Why would he have a cosmetic kit in his drawer? I don't wear makeup so I doubt it's a present for me. Lalo namang hindi niya ito binili para sa sarili niya.

"Yes po. Should I return it? Nagandahan lang po ako sa itsura kaya ko kinuha pero baka binili niya po ito for his girlfriend." Nagpintig ang tenga ko sa narinig. Hindi kasi ako mahilig kumalkal ng gamit ng nobyo kaya wala akong kabatiran sa kung ano ang itinatago niya, kung hindi pa ito pinakita sa akin ni Dion ay wala akong kaalam-alam hanggang ngayon!

Bigla ko na lamang nakagat ang aking labi mula sa nabuong hinala. Maaari nga kayang binili niya ito para sa ibang babae? Kung totoo man iyon ay sisiguraduhin kong hindi ito makakaabot sa kaniya dahil bibinyagan ko na ito ngayon pa lang.

"Nagbago na ang isip ko. Let's do this, Dion!" Dumiretso ako ng upo saka naghanda. Ako pa mismo ang sumira sa balot ng makeup kit. How much mockery would it paint on his face if he were to see me wearing the makeup that he's supposed to give to whomever this kit is for.

"Yehey!" Nagtatatalon ang paslit bilang pahiwatig ng kaniyang labis na ligalig.

"Pero marunong ka ba maglagay ng makeup?" Kinakabahan kong usisa bago magsimula. As much as I want to get back on her uncle, natatakot din ako para sa kahahantungan ng mukha ko. Looking like a freaking clown is the least that I want!

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon