Chapter 44 ⛺

163 11 1
                                    

"Mmm..." I yawned with a mixture of exhaustion but refreshment. Kamumulat pa lang ng mata ko ngunit inaantok pa rin ang aking diwa. Marahil hindi sasapat ang ilang oras ng pahinga upang makabawi sa ginawa naming ehersisyo kagabi.

Sabay-sabay kong inunat ang bawat buto sa aking katawan. Hindi ako masyado makagalaw dahil sa pangambang baka magising ang katipan. Mahimbing pa kasi ang tulog ni Paco sa tabi ko.

Gumalaw-galaw ako para ayusin ang posisyon ng sarili. My initial plan was to return to my bed after we did it but he insisted that I should sleep with him instead. Siksikan tuloy kami rito sa single bed niya.

Balak ko nang bumangon kaya hinila ko ang comforter paangat sa aking dibdib. Walang saplot na magtatakip sa aming kahubdan kaya no choice ako kung hindi gawin itong pambalot. Medyo nahirapan lang ako dahil nadadaganan ni Paco ang ilang bahagi ng kumot.

"Saan ka pupunta?" Bago pa man makaalis sa kama ay bigla akong hinablot ni Paco pabalik sa tabi niya. His tight muscles wrapped around my body to avoid letting me escape.

"Uy bumangon na tayo!" Pilit kong kawala pero walang bahid ng pagsunod ang matatanaw sa kaniya. Sa halip na pagbigyan ang nais, kasalungat ang ginawa niya at lalo pa akong niyapos. Baligtad talaga ang utak nito eh!

"Wala man lang goodmorning?" Lambing nito sabay malalim na singhap sa aking leeg. Loads of laughter bursted as he trigger the sensitivity of my skin.

"G-goodmorning! Bitiwan mo na ako, Paco!" Nanghihina kong tugon dahil sa labis na kiliti. Aside from feet, I consider the neck as one of my most ticklish parts. Natitiis ko naman minsan pero hindi ngayon na masyado siyang agresibo.

"Let's just cuddle for a while..." Maamo nitong suyo saka sunod-sunod na hinalikan ang aking pisngi. Kahit kagigising lang, walang bahid ng panunuyot ang labi ni Paco. His lips are still soft and moisturized like a baby.

"Ayan ka na naman sa cuddle tapos mamaya lalaplapin mo na naman ako." Babala ko dahil alam na alam ko na ang galawan niya. Mag-uumpisa lang sa yakap at kaunting kiliti, hanggang sa burado na ang labi ko kakahalik niya sa akin.

"Tignan na lang natin..." Pumaibabaw siya akin habang unti-unting nilalapit ang mukha. I'm fully cornered so I can't really resist. Hindi pa naman ako nakakapagsipilyo kaya kulob pa ang bibig mula sa panis na laway.

Tok! Tok! Tok!

"Ay kabayo!" Walang pagdadalawang-isip kong tinadyakan si Paco pahulog sa kama. Ayan na nga ba ang sinasabi ko kaya kanina ko pa gustong bumangon! Mabuti na lang at nakatakip ang kurtina sa mga bintana. Kung hindi ay mabibisto kami sa akto.

"Arghhh shit!" Daing ng lalaki habang hinihimas ang napuruhan niyang tagiliran. Gusto ko sana siyang saklolohan pero kailangan kong unahin ang kumakatok sa pinto.

"Hindi ko sinasadya! Sandali lang at babalikan kita." Dinampot ko ang mga damit sa sahig saka isa-isang sinuot. It didn't even matter if I'm wearing the clothes backwards. What my priority right now is give response to the door.

Binungad ko ng malumanay na ngiti ang kung sinumang nasa kabilang bahagi ng pinto. Sa ngayon ay nasa sahig si Paco kung kaya't nahaharangan siya ng kama. No one will notice him even with an observant glance.

"Magandang umaga!" Maligalig na salubong ng aming kapitbahay. It was only hours after dawn so I had trouble matching his energy.

"Ikaw pala Haruomi..." Hindi ko na natapos ang sasabihan dahil sa biglaang paghikab. "Ano palang sadya mo?" Tinakpan ko ang aking bibig para hindi umabot sa kaniya ang amoy ng hininga. Judgement is the least that I want during morning.

"Gusto ko lang sana i-share itong baon ko. Naparami kasi ako ng balot. I realized I can't eat all of them by myself." Inabot niya ang isang plastik na may lamang mga sitsirya. Iba't-ibang pakete at halatang imported brands ang nandito. Majority of these snacks are unfamiliar to me. Laking local lang kasi ako kaya ang kadalasan kong kinakain ay mga Boy Bawang o Alibaba.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon