Chapter 33 ⛺

285 14 11
                                    

Pinagmasdan ko ang iba't-ibang klase ng putahe na pagpipilian ko sa aking harapan. Halos lahat ng mga ito ay paborito ko ngunit hindi man lang ako nakararamdam ng pagkasabik. Nervousness filled my stomach instead of hunger. Kahit ang mistulang mga bulate ko sa sikmura ay hindi naghahanap ng pagkain at tila nakikiisa sa damdamin ko.

Sinong hindi kakabahan? Ilang sandali na lamang ay idadaos na ang ikalawang yugto ng aming pag-uusap. Despite the time that was spared, I wasn't able to conclude a solid reasoning. Pinagtuunan ko muna kasi ng pansin si Paco kagabi. Unang gabi namin iyon bilang magkasintahan kaya natural lamang na masulit namin ang isa't-isa. Though nothing intimate happened. We mostly spent the night talking while further discussing about our relationship matters.

Umurong nang umurong ang mga tao patungo sa counter. Kung kailan nais kong magpatagal ay ngayon pa talaga bumilis ang kalakaran dito sa canteen. Wala na bang ibabagal ito?

Hindi naglaon ay tuluyan akong nadala ng aking mga paa sa harapan. Kinuha ko ang tray kung saan nakahain na ang pagkain ko at kaagad na umalis. I felt like I was going to barf at the sight of food. Wala talaga akong gana kumain ngayon pero kailangan kong pilitin dahil paniguradong magagalit sa akin si Paco.

"Ok ka lang ba?" Mahinang tanong sa akin ni Paco habang nasa tabi ko. Kasabay ko kasi siyang pumunta rito at kumuha ng pagkain sapagkat parehas kaming late nagising.

"Oo...kinakabahan lang siguro?" Para kasing babaligtad ang sikmura ko dahil sa pinaghalong kaba at takot, but I have to look at the bright side! Nasa panig ko na sina Allen at Isabelle. That's two down and two to go! Once mairaos ko ang pagpupulong na ito ay matatapos na rin ang paghihirap ko.

"Samahan kita sa kanila gusto mo?" Alok ni Paco habang hinihimas ang aking likod. Kaagad ko itong pinag-isipan sapagkat alam kong kakailangan ko nang lubusan ang suporta niya.

"Hindi na kailangan."Tanggi ko sa kaniya. Having him by my side secures and strengthens me, but I believe this is a matter that I have to settle myself. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa tabi ko si Paco para maging kaagapay ko. I want to be independent and avoid being reliant to him.

"Then ihahatid na lang kita..." Sumang-ayon na ako sa kaniya sapagkat alam kong hindi ito magpapapigil. The least that I can do is grant his favor. Saka ko na lang isisiwalat sa kaniya ang naging pag-uusap namin sa oras na matapos kami.

Hindi kami nahirapan hanapin ang pwesto ng barkada. Tha gang was located at our usual place making it easier to detect them. Mabilis naming tinahak ni Paco ang daan habang nakikipagsapalaran sa madla. I was like a soldier heading to a bloodless war.

Maya-maya ay napatingin sila sa amin sa oras na mailapag ko ang tray sa lamesa. We exchanged gentle nods as if this is our first time meeting one another. Napansin ko ang magaan na mood na sumisingaw sa kanilang lahat at tila ako lang ang tensyonado. Mukhang naging matalab ang pagpapabukas namin dahil sa kalmadong mukha ng mga ito. If that's the case then it is a sign that things might go smoothly.

"Dito na lang ako. Salamat!"Ngumiti ako nang bahagya kay Paco bilang pasasalamat. I didn't know how to successfully part our ways as a couple. Nais kong tumingkayad upang bigyan ito ng pinong halik sa pisngi ngunit nagdadalawang isip ako. Crowds are very observant and can easily apply malice to such act. Ayoko namang mag-almusal ng panlalait ngayong umaga kapag nagkataon.

"Kita na lang tayo mamaya." Tugon ni Paco saka ginulo ang aking buhok. Patting my head has always been his way of showing his affection towards me. Medyo nagkailangan lang kami kung papaano maghihiwalay pero alam kong naintindihan niya ang sitwasyon namin.

"Wait!"Pigil ni Isabelle sa pag-alis ni Paco. "Dito ka na makiupo sa amin..." Nahihiyang wika niya sa aking nobyo na siyang ikinagulat namin. I would love to have his company but are they really alright with this? Baka naman mamaya ay napipilitan lang sila. Hindi naman nila kailangan obligahin ang sarili lalo na kung labag naman ito sa kanilang loob. Sandali, ano bang sinasabi ko? I should be happy and grateful that they're opening an opportunity for us to bond together. Minsan lang mangyari ito kaya dapat lubusin na namin. Who knows? Baka mamaya ay hindi na maulit ang ganitong pagkakataon.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon