Chapter 61 ⛺

109 9 2
                                    

Muling sumapit ang gabi kaya nagsimula na akong magligpit ng mga gamit. Maliit lang ang cabin namin kaya masikip sa pakiramdam kapag maraming nakakalat. Dati ay mga kalat lang ni Paco ang dinadampot ko pero mas dumami ang kailangan kong pulutin noong pumarito ang pamilya niya sapagkat laging nanunuluyan dito si Dion. Not that I'm complaining, but rather it is only an observation.

Speaking of Dion, mahimbing na natutulog ang paslit sa kama ni Paco. She's never woken up since afternoon. Mukhang umaga na siya magigising kung sakaling magtuloy-tuloy ang paghimlay niya.

Come to think of it, walang pagdududang magtatabi kami ni Paco mamaya sa aking higaan dahil may tao sa kaniyang kama. Wala itong kaso kung ordinaryong araw subalit hindi ko maiwasan ang mabahala sa kabila ng nangyari kanina. Baka kasi mamaya ay masama pala ang loob niya sa akin dahil sa pagtatalo namin. Who would want to sleep with the one you're upset about.

Iniling ko ang ulo saka iwinaksi ang bumabagabag sa akin. Itutulog ko na lang siguro ito. Tama! Matutulog na ako para hindi ako maabutang gising ng nobyo. All awkwardness will be ceased that way!

Pinagpag ko ang punda saka mabilis na humiga sa kama. I found the most comfortable position and tried my best to fall asleep. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pinatay ang liwanag na nagmumula sa lampshade. Siguro ay sa kaibuturan ng puso ko, talagang mahirap pa rin iwasan ang hindi hintayin si Paco.

Click!

Naging madiin ang pagpikit ng aking mga talukap kasabay ng pagkagat sa dila. I need to be as stiff as possible if I want him to think that I'm asleep. Ni hindi na nga ako humihinga para magmukhang convincing ang acting ko.

Ilang saglit pa ay lumubog ang kabilang bahagi ng kutson bilang senyales na may humiga rito. Nangungunot na ang aking mukha at tila kating-kati na dumilat. I just want to cuddle with him after a long day. Though I'm not sure if he's also up for that.

"Pwede ka namang huminga kung nahihirapan ka na." Diretso nitong sabi kaya nasamid ako. He knew I was playing all along!?

Cough! Cough! Cough!

Napahawak ako sa dibdib habang umuubo. My respiration is unstable given that I didn't breathe for almost two minutes. Kung natagalan pa ito lalo ay malamang kulay lila na ang balat ko dahil sa kawalan ng hangin.

"Easy lang..." Tumayo si Paco upang kumuha ng tubig. Nagsalin siya nito sa baso saka inabot sa akin. Bilang sagana sa ubo at kulang na lang ay mailabas ang baga, tinanggap ko ito at mabilis na nilagok.

"P-papaano mo nalamang gising pa ako?" Hinihingal kong tanong habang hinahabol ang hininga. Mapapahamak pa ako nito dahil sa kalokohan ko.

"You want the serious answer or the silly one?" Nalukot ang aking noo mula sa narinig na tugon? Ano bang pinagkaiba ng dalawa. Hindi ba't iisa lang naman ang sagot sa tanong ko?

"The latter option." Pagpili ko sa dalawa niyang binanggit. The real answer seems to be obvious enough. I think I'll go with the silly answer.

"The silly answer is mukha kang tuod humiga." Wika ng binata habang ginagaya ang posisyon ko kanina. I couldn't help but to smile at the corner of my lips. Ngayong nagagawa niya pa akong asarin ay ibig sabihin lang nito na wala siyang kinikimkim na hinanakit sa akin. That puts myself at ease.

"At yung isa?" Pinatong ko ang baso sa side table habang hinihintay ang kaniyang sagot.

"The serious answer is...you never sleep without me." Nakangisi niyang mungkahi. Wow! Mahirap din pala magkaroon ng mahanging nobyo. Nag-uumapaw sa confidence eh. "Good night, Julian." Mahina niyang pinitik ang noo ko bago bumagsak sa kama.

"Sandali!" Tinapik ko ang kaniyang balikat nang akmang tatalikuran niya na ako upang matulog. "About a while ago..." Alam kong pagod din siya sa dami ng ginawa ngayon araw subalit nais ko lang linawin ang mga bagay-bagay.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon