Kumaripas ako ng takbo habang tinatahak ang daan papalabas ng canteen.Panay ang paggalaw ng ulo ko sa bawat direksyon upang hanapin sina Paco at Isabelle.Baka mamaya ay nag-aaway na ang dalawang iyon kaya dapat ko na silang mahanap.
Sandaling panahon pa naman ang nakalilipas kaya paniguradong hindi pa sila nakakalayo.I jogged my way around camp to scout every possible locations. Labis na ang pagkakabisado ko sa kampo kaya madali na lang halughugin ang mga sulok nito.
Bago pa man maubos ang lakas ko kakatakbo ay tuluyan ko na silang natagpuan sa tapat ng cabin nila Isabelle. Kusang naglakad ang aking mga paa upang magtago sa may gilid.Mahirap nang makita at baka sabihin ay nakikichismis pa ako.
Hindi ko na kailangan pang lumapit nang husto para masabing nag-aaway sila.Base sa mukha at tinig ng mga ito ay halatang- halata ang kanilang pagtatalo. Palibhasa ay lahat ng tao nasa canteen pa kaya hindi rin nakararamdam ng hiya ang dalawang ito sa pagsisigawan.
"Why don't you like me?Gwapo naman ako tsaka mayaman.Ano pang kulang sa akin?"Bakas na ang pagkairita sa boses ni Paco.He is very much annoyed but he just keeps himself from being mad. Kahit na naiinis ito ay wala naman siyang ginagawang masama kay Isabelle katulad na lang ng pananakit which is good.Sa oras na lumagpas siya sa limitasyon niya ay talagang ako na ang makakalaban niya.
"Hindi ko obligasyon na magustuhan ka dahil lang sa gusto mo ako okay?Tsaka ano namang gagawin ko kung mayaman at gwapo ka?My standards are not as low as you think!".Para lang akong nanonood ng cooking show featuring Chef Boy Logro at Gordon Ramsay sa sobrang gisa na ginagawa ng mga ito sa isa't-isa.Hindi ko ine-expect na kaya rin pala ni Isabelle na magtaray at magsungit.Sa susunod nga kapag sinabi niyang ayaw ay hindi ko na siya kukulitin pa.
"I'm trying my best for you to like me. Sabihin mo lang kung anong gusto at iyon ang gagawin ko!"Jowang-jowa na ba si Paco at nagiging marketing student na siya kakabenta ng sarili niya kay Isabelle?Parang ngayon ko lang siya nakitang tamaan nang ganito sa babae dahil kadalasan ay pang isang araw lang ang mga nakaka-fling niya.Maximum na ang 3 days at pinagpala na sila masyado kung aabot pa ng linggo.Hindi ko na lang nga pinapakielaman as long as hindi ako nadadamay sa mga pinaggagagawa niya.
"Wala kang dapat gawin Paco!Oo o hindi lang ang pagpipilian ko at hindi kita GUSTO!"Napahiyaw ako nang mahina sa narinig ko.Mukhang ito na ang huling hantungan ni Paco.Wala na kaming magagawa pa kung si Isabelle na mismo ang tumanggi.We can't force love to happen and that's just it.
"May iba kang gusto,tama ba ako?"Sa sinabing iyon ni Paco ay napatahimik si Isabelle. Maging ako ay napatikom ang bibig.I have never really thought of that. Sa lahat ng kaibigan ko ay alam ko ang nangyayari sa love life pero pagdating kay Isabelle?Ni hindi ko man lang siya natatanong tungkol doon.Posible nga kayang may gusto siyang iba?Kung oo, bakit hindi ko alam?"Silence means yes. Sino siya?Nandito rin ba siya sa kampo?" Natatadtad na ng mga tanong si Isabelle pero hindi niya masagot kahit isa sa mga ito.Napatayo tuloy ako nang wala sa oras dahil sa biglang pagyuko ni Isabelle.Baka mamaya ay maiyak na siya sa pressure. Kailangan ko na bang makielam?
"Ayaw na kitang makita pa!"Pagkatakbo ni Isabelle papalayo sa cabin niya ay agad akong bumaba at nagtago sa damuhan.Nanatili si Paco sa kaniyang kinatatayuan at mukhang walang balak sundan si Isabelle.
Nang masiguradong wala na ang kaibigan ko ay doon lang ako nagpakita sa kaniya.Hinagisan niya lang ako ng tingin saka napailing.Ang buhok niya ang nagsilbing buhusan ng kaniyang galit at inis sapagkat kanina pa ito todo kung makahawi sa bawat hibla.
"Nandito ka ba para mang-asar?"Inis na bungad nito sa akin.Grabe naman wala pa nga akong sinasabi!Hindi ba pwedeng nakikiramay lang para sa namatay niyang pag-asa kay Isabelle?
"Ano ba kasing natripan mo sa buhay at kung ano-anong pakulo ang ginagawa mo?"Hinalukipkipan ko siya ng kamay saka hinintay ang mga sagot na makapupuna sa tanong ko.Kahit ako kasi ay hindi ko maintindihan kung bakit niya iyon ginawa.That was so repulsive of him!Epekto ba ito ng pag-decline ni Isabelle sa mga regalo niya na sasagarin niya ang pasensiya nito.
BINABASA MO ANG
Into The Wilderness (BxB)(BL)
Roman d'amourJulian Sarmiento has always been a happy go lucky kid.Though may pagka-introvert ito dahil lumaki itong isolated sa bahay. Sa kabila ng pagkakakulong sa apat na sulok ng bahay ay hindi ito naging hadlang upang mas makilala ni Julian ang sarili. Mala...