Chapter 9 ⛺

414 20 0
                                    

"Kanina pa tingin nang tingin sa atin yun!"Mungkahi ni Allen habang mabilis na winawagay ang kaniyang pamaypay. Itinaas ko ang aking paningin upang makita ang kaniyang tinutukoy.Doon ay nasa tapat nga namin si Paco.He's just plainly sitting on a bench.Medyo may kalayuan pero kita pa rin namin siya at halata nga ang ilan sa mga nakaw niyang pagsilip.

"Oo nga eh medyo naiilang na ako..." Hinimas ni Isabelle ang kaniyang balikat. Malamang ay kinilabutan ito kay Paco. Napairap naman ako sa katangahan ng lalaking iyon.Tinatakot niya lang ang kaibigan ko.Para sa isang lalaki na mahilig mambabae ay siya lang ang kilala kong pangit dumiskarte.Sanay siguro siya na babae ang lumalapit sa kaniya kaya ganito.

"May problema ba iyang roommate mo sa atin Julian?"Tanong naman ni Nikko habang tinititigan nang masama si Paco. Hindi ito nagpatinag bagkus binalik niya ang atensiyong natatanggap namin mula sa kabila.Tension was quickly built amongst both parties.

"N-nako wala!Baka naman natutulala lang siya sa direksyon natin.Huwag niyo na masyado isipin iyon."Kinabahan ako dahil baka mamaya ay manghamon pa ng away si Nikko.Magmula kasi noong mangyari ang komusyon sa gym ay naging mainit na ang dugo nitong magpinsan sa kaniya.Minsan nga naiisip ko na hindi huhupa ang galit sa loob nila hangga't hindi sila nakakabawi.

"Hala papalapit na siya!Mabuti pa umalis na lang tayo.Please ayoko ng gulo..." Yaya ni Claire sa amin dahil sa papalapit na mga hakbang ni Paco.What is he up to now?Habang naglalakad ay nasa magkabilang bulsa pa ang parehas na kamay.Dahan-dahan pa itong kumilos na parang rumarampa bilang isang modelo.Masyado niya na namang dinadama ang kagwapuhan niya.

"Sige mauna na kayo.Kakausapin ko lang muna siya."Hindi na sila umangal pa sa sinabi ko dahil malapit na rin si Paco. Tumayo na sila mula sa stage ng  grounds at lumisan na papunta sa ibang pwesto.Saktong pag-alis ng aking kaibigan ay ang tuluyang niyang paghantong sa harap ko.

"Bakit sila umalis?"Gulat na tanong niya. Napakamot ito sa batok.Sinundan niya ng tingin ang mga tropa ko.Kasalanan niya naman iyon eh.Kung hindi ba naman padalosdalos ito kung kumilos ay walang misinterpretation na magaganap.

"Tinakot mo eh!Akala nga nila makikipag-away ka pa."Tumayo ako upang makatitigan ito nang mata sa mata pero hindi pala sapat ang tangkad ko upang makapantay siya nang harapan.

"Away?That's so fucked up!Bakit naman ako mang-aaway nang walang dahilan? I'm not a warfreak!"Agad naman akong napangiwi sa sinabi nito.Not a warfreak pero ilang beses na siyang napapaaway dito sa kampo.

"Masisisi mo ba sila?Tsaka bakit ka nga kasi bigla-biglang lumalapit sa amin? Para kang weirdo..."Nagsimula na akong maglakad dahil tumitirik na ang araw. Madali akong mangitim at magka- sunburn kaya mabuti pang sumilong na ako.

"Gusto ko lang naman mapalapit sa inyo para mas madali kong makilala si Isabelle.I thought you would help me!" Sinipa-sipa niya ang mga maliliit na bato. Nakasimangot na siya at mukhang namomroblema.Seryoso nga talaga siya kay Isabelle.

"Oo nga pero kumalma ka naman muna! Kahapon mo lang naman ako sinabihan ah!"Hanggang ngayon ay pinoproseso ko pa kasi sa isip ko ang pabor na hinihingi niya.Sobrang hindi ko kasi inaasahan ang mga pangyayari.Firstly, I thought his type are wild and hot girls only.I'm still shocked over the fact na si Isabelle ang natipuhan niya.I mean maganda naman si Isabelle and all pero she's too nice for him.I guess opposite attracts naman talaga.Secondly...wala naman akong alam sa ligaw-ligaw na ganito!Ni hindi pa nga ako nakakaporma sa babae eh.Bakit kailangan ako po ang tumulong sa kaniya?

"Well kailan mo ba balak mag-umpisa?We don't have all the time para magpatagal-tagal pa!"Biglang rumolyo ang aking mga mata. Siya na nga itong nakikiusap na lang napaka- bossy pa.Doesn't he have any idea kung gaano siya ka-demanding ngayon?

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon