Hindi nagtagal ay naging maayos ang daloy ng bawat gawain. Naninibago man kanina ngunit madali lang pala ito kapag nakasanayan. Una muna ay susukatin at guguhitan ko ang mga kahoy. Pagkatapos nito, ibibigay ko kay Paco ang aking mga namarkahan para malagare niya kaagad. Susunod ay ibabalik niya sa akin ang mga naputol na kahoy upang lihain at linisin. Sa oras na napakinis ko lahat, diretso niya na itong pinupukpok patungo sa pagiging kubol.
"Talaga palang may talento ka sa ganitong larangan." Komento ko matapos makita kung gaano kapulido ang gawa ni Paco. His work is completely remarkable. Wala akong kahit na anong kapintasan ang mapupuna rito.
"All thanks to my dad." Sagot niya habang pinupukpok ang mga pako pabaon sa bawat kahoy. "Marami kasing alam na gawain si Dad. Noong nabubuhay pa siya ay lagi niya akong tinuturuan ng mga bagay-bagay. I guess his teachings finally paid off!" Ngiting paliwanag ng aking kasintahan nang muling maalala ang namayapang ama. Bago raw kasi mapangasawa ang mama niya ay isang handyman ang papa ni Paco. That includes being a plumber, electrician, laborer and many more.
"May pinagmanahan ka naman pala. No wonder you're so good." Papuri ko sa binata. Hindi ko man naabutan ngunit tinitingala ko ang ama niya. Labis akong namamangha sa mga ganitong tao sapagkat hindi biro ang ginagawa nila. These kind of essential workers should be treated with more value. Minsan kasi, kung sino pa ang talagang may bilang sa lipunan ay sila pa ang ginigipit ng gobyerno sa pamamagitan ng maliit na pasahod. Parating kulang sa suporta at benepisyo kung kaya't mababa tuloy ang pagtingin ng mga tao sa ganitong trabaho.
"Wala pa ako sa kalingkingan ni Dad. It would take a lot for me to reach his level." With the way he speaks so greatly about his father, I can see how much he loves and adores him.
"Pero diba ang sabi mo sa akin pangarap niya dati ang maging engineer? What happened?" Pagbubukas ko ng panibagong paksa. Wala na kasi akong ginagawa. Kanina pa ako natapos samantalang si Paco naman ay naggpupukpok pa rin ng mga kahoy. I rather accompany him with a talk than just watch him silently.
"Yeah! Dad always wanted to be an engineer. Lagi niyang sinasabi noon na kung nakapagtapos man siya ng pag-aaral ay ito ang gusto niyang maging trabaho. Sadly, dahil sa hirap ng buhay nila dati ay hindi niya ito natupad." Nakalulungkot isipin na maraming pangarap ang nasisira dahil lang sa kahirapan. Life can truly be unfair at most times.
"Eh ikaw? Hindi ba't gusto mo rin maging engineer?" I distinctly remember him that it is a dream that he built together with his dad. Tuluyan na ba siyang nawalan ng gana dahil sa pagpanaw ng kaniyang ama?
"Minsan sumasagi pa rin iyon sa isip ko..." Kumuha siya ng panibagong pako saka malakas na pinukpok sa kahoy. Malapit na kasing matapos ang booth. It only needs paint and a bit of finishing touch. "pero kung pinili ko mang ituloy ang landas na iyon, paniguradong lagi ko lang maiisip si Dad. I haven't even moved on from him up till now." Dama ko ang kalungkutan sa likod ng blangkong ekspresyon ni Paco. Mahirap nga naman ipagpatuloy ang isang bagay na magkasama niyong pinangarap ngunit mag-isa mo na lang tatahakin.
"Ipaubaya na lang natin ito sa panahon." Wala na akong balak pa na ungkatin ang masasakit na alaala ng katipan. Perhaps he just needs the right inspiration to rekindle the burning passion inside him. After all, great things come from the smallest spark.
"Pinturahan na natin?" Malawak ang ngiti niya habang hawak-hawak ang malalaking lata ng pintura. The sudden change of aura shocked me. Maybe this is his way to divert attention instead of mourning again.
"Sige!" Buong pagmamadali kong kinuha ang paint brush at pansalok. Nagdala rin ako ng mga lumang diyaryo para hindi maging makalat ang pagkulay namin. "Papaano ito? Wala tayong orange?" Pangangamba ko matapos mapagtanto ang iilang kulay na mayroon kami. The only available colors are red, blue, yellow and white. Does this mean we have to change our color scheme?
BINABASA MO ANG
Into The Wilderness (BxB)(BL)
RomanceJulian Sarmiento has always been a happy go lucky kid.Though may pagka-introvert ito dahil lumaki itong isolated sa bahay. Sa kabila ng pagkakakulong sa apat na sulok ng bahay ay hindi ito naging hadlang upang mas makilala ni Julian ang sarili. Mala...