Chapter 64 ⛺

119 8 3
                                    

Kinagabihan ay tuluyang dinaos ang napagpasyahang salusalo. Hindi pa man lumulubog ang araw subalit lumisan na kami mula sa kampo. Sama-sama kami sa iisang sasakyan sapagkat kasya naman kaming lahat rito. Nasa likuran kami nila Paco at wala siyang tinuran na kahit isang salita. Buong magdamag lang itong nakamasid sa bintana habang ako naman ang sumasagot sa mga binabatong katanungan. What an awkward ride this is!

We were fastly acquainted once we arrived at the venue. Mahabang pila ang sumalubong sa amin pagtungtong sa restaurant ngunit kami pa rin ang inunang asikasuhin. Halos pagtinginan kami ng mga taong nakaabang habang pumapasok sa pinto. Magdamag silang naghintay samantalang kami ay dire-diretso lang. The amount of connection it requires to book a reservation at such short notice. Ate Gladys surely outdid herself!

Kumumpas sa amin ang malumanay na himig ng mga instrumento. Never did I imagine witnessing live musicians tonight. Maging ang mga palamuti sa paligid ay pumukaw sa aking atensyon. Looking around the restaurant, this establishment is a haven for exquisite taste! Mula sa architecture ng lugar hanggang sa interior design.

Sinamahan kami ng serbidora patungo sa nakalaan naming lamesa. Kahit ang naturang hapag ay mainam na pinili para sa amin. The lighting here is vibrant while the distance from the crowd is quite afar, which is good for privacy.

Pabilog ang lamesa kung kaya't lahat kami ay malapit lamang sa isa't-isa. Katabi ni Tita Miranda ang dalawang nakatatandang anak. Sumunod naman kay Ate Gladys si Dion na siyang katabi ko. Sa kabilang bahagi, nakaupo si Paco sa aking kanang gawi na siyang sinundan ni Lara patungo kay Kuya Oliver at pabalik kay Tita Miranda.

Tila nanlumo ako nang makita ang mga nakalatag na kubyertos sa aking harapan. Kulay ginto ang mga kutsara, tinidor, at kutsilyo. Higit pa rito, napakarami ng bilang nito na may iba-iba pang hugis at laki! Perhaps 5 star restaurants take their 'fine dining' too seriously.

"Anong gusto mong kainin?" Sambit ni Paco saka ipinasilip sa akin ang menu. Teka, hindi ako prepared. Akala ko pangkalahatan ang pag-order dito kaya sila na ang bahala. It turns out majority of what they cater here are a la carte and solo meals which are only consumable per person.

"Uhm..."Kahit ang listahan nila ng mga pagkain ay hindi ko mawari. Hirap akong unawain ito likha ng European culture ang pangunahing tema't-impluwensya ng mga babasahin. Mas lalo akong sumuko nang mapansing wala man lang litrato ang kanilang talaan. "Kagaya na lang din ng iyo. Salamat..." Nahihiya kong binalik ang menu sa binata. Mabuti na lang at busy din sa pagtingin ang mga kasama namin kaya walang nakasaksi sa pagiging ignorante ko.

Ilang sandali pa ay kinuha na ng attendee ang mga order. I patiently sat on my chair as I let them conversate with the crew. Before bidding goodbye, the waitress left a portion of appetizers such as soup and garlic bread.

"So..." Pagkuha ni Tita Miranda sa aming atensyon bago humigop ng sabaw. "Anong pinagkakaabalahan mo ngayon sa buhay, hijo?" Inaakala ng lahat na nakalaan para kay Paco ang tanong ngunit ang mga titig ng ginang ay nakalapat nang diretso sa akin. Malabo na kaya ang mata niya? Perhaps she mistook me as her son.

"A-ako po ba?" Napahawak ako sa dibdib upang sapuhin ang nararamdam. Malakas ang pagtibok nito sanhi ng labis na kaba. Hindi pa rin kasi inaalis ni Tita Miranda ang tingin sa akin. Ibig sabihin lang nito ay ako talaga ang tinutukoy niya.

"You're the most recent face in this table. It's only proper to get to know you, is it not?" Nilapag nito ang kutsara matapos kainin ang nakahaing sabaw. She gracefully tapped a piece of bib on her mouth as an attempt to clean food traces.

"Sa ngayon ay isa pa lang po akong estudyante. I'm actually going to college next month." Thinking about the remaining days. Malapit na rin pala ang pasukan sa mga paaralan pero hindi pa ako nakakapaghanda. Tila masyado na akong naging maligalig at nakalimutan ang mga gampanin sa labas ng kampo.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon