Gabi na bago ako tuluyang makalayag. Hila-hila ko ang aking maleta patungo sa luma kong cabin.Mixed emotions started to conquer my being.Hindi ko alam ang dapat kong asahan sa pagbabalik ko sa tirahan namin ni Paco.Actually, hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa gusto niya in the first place.Masyado akong nadala sa drama niya kung kaya't nagdesisyon ako nang padalos dalos.
Inisip ko tuloy ang mga katagang sinabi niya.Bawat pangungusap na binitawan ni Paco ay nakaukit pa rin sa aking isipan at walang salita ang makapaglalarawan sa labis na pagkalugod ng puso ko. It's like the impossible dream has finally come to life.Mukhang hindi naman pala madamot ang tadhana kumpara sa inaakala ko.
Sa kabila ng galak ay siyang matinding pagkabahala ang bumabagabag sa akin. What if he's only confused? Baka naman mamaya ay nadala lang siya ng bugso ng damdamin kaya niya nasabing gusto niya ako. Isang napakalaking kalaban ang pagkalito sa sarili at ayokong maging trigger sa turning point ng ibang tao. That's a whole bunch of complications. Papaano kung nalilito nga lang si Paco at babae pala talaga ang gusto niya?Edi umasa lang ako sa wala!
Hindi bale na nga lang.Walang saysay kung patuloy ko pang pahihirapan ang sarili ko sa kakaisip.Ang tanging magagawa ko na lang siguro ay maghinay-hinay at huwag mag-assume ukol sa mga bagay-bagay.
"Hanggang dito na lang ako."Mungkahi ni Allen sabay lapag ng iba kong gamit sa sahig.Nagpumilit kasi itong samahan ako pabalik dito.Natural lang daw na tulungan niya ako sa paglilipat dahil galing ako sa cabin nila.It's a kind of formality he mentioned.
"Oh hindi ka na papasok sa loob?"Balak ko sanang patuluyin muna siya kahit saglit para mapawi naman ang pagod niya.May kahabaan din kasi ang nilakad namin lalo na't mabibigat ang aming dala-dala.
"Inaantok na kasi ako kaya gusto ko na rin bumalik.Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka ha?"Tinakpan niya ang kaniyang bibig upang maitago ang malakas na paghikab.Inaantok na nga talaga siya.
"Sige, ingat ka!Salamat ulit sa panandaliang pagkupkop niyo sa akin." Kumaway ako bilang pamamaalam sa kaniya.Hinintay ko munang mawala si Allen sa paningin ko bago nagdesisyong pumasok sa cabin.
Isa-isa kong binitbit ang mga bagahe at maleta ko sa magkabilang kamay.Kahit mabigat ay pinilit ko itong kayanin sapagkat ilang distansya lang naman ang lalakarin ko.
Aabutin ko pa lang ang pinto ngunit bigla itong bumukas saka iniluwa ang lalaking kasama ko sa cabin.Sa halip na kumilos na ay hindi ko maiwasang titigan ang kaniyang mukha.Was he waiting for my arrival?Iyon ba ang dahilan kung bakit nasa pintuan kaagad siya?
Iniling ko ang aking ulo.Kasasabi ko lang sa sarili ko kanina na hindi dapat ako umasa.One's greatest downfall often begin with the smallest assumption. Ayokong mauwi na naman sa paglulupasay ang aking buong pagkatao kaya dapat kong ikalma ang sarili ko.Just go with the flow, Julian.
"Tulungan na kita."Hindi pa man ako sumasang-ayon sa alok ni Paco ay hinablot niya na lahat ng kagamitan ko. Kinuha niya sa akin kahit ang pinakamagaan na bagahe.Parang mani lang sa kaniya ang pagbuhat sa aking mga gamit.Palibhasa ay batak sa ehersisyo.
"Salamat."Tipid kong sagot sapagkat nakakaramdam pa rin ako ng awkwardness.Matapos ang lahat ng nangyari ay hindi ko naman inaasahang babalik kami kaagad sa normal.Para tuloy kaming bagong magkakilala lang na nagkakahiyaan pa.
Pagpasok ko sa loob ay bumungad sa akin ang isang napakalinis na paligid. Tama ba ang cabin na napasukan ko? Parang hindi ito ang lugar namin. Walang bahid ng kalat sa sahig. Ang mga gamit ay makikinis at walang alikabok. Pati ang mga kurtina ay bagong palit din.
"Naglinis ka?"Hindi sa pangmamata pero sadya lang talaga akong humahanga. Who knows that he's capable of cleaning a place.Akala ko ay marunong lang ito sa pagkakalat.
BINABASA MO ANG
Into The Wilderness (BxB)(BL)
RomanceJulian Sarmiento has always been a happy go lucky kid.Though may pagka-introvert ito dahil lumaki itong isolated sa bahay. Sa kabila ng pagkakakulong sa apat na sulok ng bahay ay hindi ito naging hadlang upang mas makilala ni Julian ang sarili. Mala...