Kapwa nangangatog ang aking mga binti. Hindi ko mawari ang dapat ikilos sapagkat nananatili pa ring nakatayo ang ginang sa may pintuan. Masusi niya kaming pinagmamasdan ni Paco habang patuloy na nakatakip ang kamay sa bibig. Maya-maya ay bumaba ang palad nito sa kaniyang dibdib upang pakalmahin ang kumakabog na puso.
"H-have the two of you gone mad!?" Bwelta nito saka sinarado ang pinto kasabay ng paghawi sa mga kurtina. Marahil nagkukubli sa mga taong maaaring makasaksi. If only she knew that everyone in this camp knows about our status.
"Tita Miranda nagkakamali po kayo ng iniisip..." Sinubukan kong tumayo sa sariling mga paa kahit nababalot ng pangamba. Nais ko lamang magbakasali kung maiwawaksi ko ang namumuong hinala sa kaniyang isipan.
"Don't you dare feed me with any more lies. Hindi ako pinanganak kahapon kaya huwag niyo ako gawing mangmang!" Napayuko ako nang kontrahin ni Tita Miranda ang hindi ko pa nga nailalatag na paliwanag. Kung sabagay, palusot at walang pawang katotohanan lang naman ang aking mga ituturan.
"At ikaw naman! What do you have to say for yourself?" Duro niya sa kaniyang anak habang binibigyan ito ng pagkakataong linisin ang pangalan.
"Paco..." Paghingi ko ng saklolo sa aking nobyo. Nakatayo lamang siya at tila hindi binabalutan ng takot. His expression is plain cold.
"Para saan pa? Nahuli niya na tayo sa akto. There is no need for refutation." Mas nilakasan ni Paco ang boses niya upang marinig ito ng kaniyang ina. What is he doing? He should not agitate her further!
"That's it!? Hindi ka man lang magpapakita ng kaunting hiya sa akin at itatanggi ang namataan ko?" The woman is currently on the brink of hysteria. Kinakabahan ako dahil hindi malayong atakihin siya mula sa matinding damdamin.
"Love is not something that I willingly deny. Mahal ko sa Julian at hindi ko siya kailanman itatanggi. Ipaglalaban ko siya hangga't makakaya ko. Even if that's from my own mother." He said standing with his full ground. Natutuwa ako sa sinabi niya subalit wala namang masama kung susundin niya ang kaniyang ina sa ngayon. Hindi ko nanaising maging dahilan pa ng mas lumalala nilang hidwaan. Maiintindihan ko kung kinakailangan niyang magsinungaling.
"Mahal? Naririnig mo ba iyang sinasabi mo? Anong alam mo sa pagmamahal?" Nangingiwi ang mukha ni Tita Miranda at tila walang balak paniwalaan ang pahayag ng anak.
"Definitely more than you! You drive away all of the people you love, mom!" May hinanakit na mungkahi ng lalaki. Bahagya kong tinatapik ang likod ni Paco dahil ayaw ko nang patulan niya pa ang kaniyang nanay.
"You're just in your 20s. Nalilito ka lang dahil ginugulo ka ng lalaking iyan!" I inadvertently fell on the bed as she attempted to latch at me. Muntik niya na akong mahablot subalit hinarangan siya ni Paco.
"Stop it, mom!" Singhal ni Paco sa kaniyang ina. Ganoon ba ang pagtutol ni Tita Miranda sa amin? Kinamumuhian niya ako to the point na magagawa niya akong saktan?
"Iyan ba ang natutunan mo sa kaniya? You're willing to hurt your own mother? Hindi ka naman ganiyan dati ah!" Pagpuna ni Tita Miranda habang pinagmamasdan ang pagkakahawak sa kaniya mula sa braso. Hindi naman malakas ang pagkakakapit ni Paco sa kaniyang ina. Sapat lang ito upang harangin ako mula sa ginang.
"Tulad nga ng sinabi ko sa iyo, mom. I love him. I wouldn't stop at anyone to always keep him safe, because my love is something that protects whom I cherish. Isa na siya sa mahahalagang bahagi ng buhay ko kaya kailangan mong tanggapin iyon." Kalmadong paliwanag ni Paco sa kaniyang ina.
"Hindi ko pinahihintulutan ang kung ano man ang namamagitan sa inyo. Neither of you is getting my blessing!" Matigas na pagtutol nito at tila nanginginig ang mga labi sa inis.
BINABASA MO ANG
Into The Wilderness (BxB)(BL)
RomanceJulian Sarmiento has always been a happy go lucky kid.Though may pagka-introvert ito dahil lumaki itong isolated sa bahay. Sa kabila ng pagkakakulong sa apat na sulok ng bahay ay hindi ito naging hadlang upang mas makilala ni Julian ang sarili. Mala...