Chapter 65 ⛺

110 8 1
                                    

Kinabukasan ay muling dumating ang ordinaryong araw. Panibagong pagkakataon mula sa panibagong umaga. Kasalukuyan akong nagtutupi ng mga inahon kong sampay habang wala naman rito sa cabin ang nobyo. Bago pa man sumikat ang liwanag, lumabas na kanina si Paco para mag-exercise.

After what happened last night, he probably wants some personal time to gather his thoughts. Gusto ko nga sana siya samahan ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kahit gaano ko siya kanais alalayan, may mga bagay na tanging siya lang ang makakalutas.

Bukod roon, marami pa akong kailangan gawin dito sa cabin. Naisipan kong maglinis sapagkat higit ilang araw na lang bago matapos ang termino namin dito sa La Tierra Firma. I want to leave it like how we found it. Para naman hindi nila masabi na balahura ang mga dating nanirahan dito.

Hindi ko lubusang maatim na darating din ang panahon kung kailan lilisanin namin ang kampo. Marami akong alaala at bagong karanasan na nabuo rito. Masasabi kong isang bahagi na ng buhay ko ang La Tierra Firma. It's saddening how good things always come to an end. Marahil wala talagang permanenteng bagay dito sa mundo.

Naisip ko tuloy ang relasyon namin ni Paco. Ano na ang mangyayari sa aming dalawa? Papaano na ang pagsasama namin? Parehong malayo ang distansya ng mga pinanggalingan namin. Isa pa ay papasok na ako sa kolehiyo. Inaasahan kong magiging abala na ako sa mga oras na iyon.

Unang relasyon ko pa lang ito ngunit mapapasabak na agad ako sa long distance relationship. Handa na ba akong makipag-call at text na parang yung cellphone na ang boyfriend ko? Nasanay na akong palaging nasa tabi ko si Paco. Hindi ko yata kakayanin kapag nawalay siya sa piling ko.

Knock! Knock! Knock!

Natigil ang aking pagmumuni-muni dahil sa lakas ng pagkatok. Who could it be? Nakatitiyak akong hindi ito si Paco. He never knocks because he always has the key.

"Sandali lang." Sinuot ko ang tsinelas sa ilalim ng kama saka kumaripas ng takbo patungong pintuan. "Sino po... Tita Miranda!" Gulat kong sabi nang makita ang ginang sa kabilang panig ng pinto.

"Good morning, Julian. I hope I'm not intruding." She greeted me with a warm smile. Magaan na ba talaga ang loob sa akin ng nanay ni Paco? Perhaps our conversation really boosted my status.

"G-good morning din po. Pasok po kayo!" Nilakihan ko ang uwang ng pinto bilang pagpapaanyaya sa kaniya. Hindi ko inaasahan na muli kong makikita si Tita Miranda. Ang buong akala ko ay umuwi na siya mula sa nangyaring kaguluhan. "Pasensya na po at wala rito ngayon si Paco. Maaga po kasi umalis for his morning workout. May I be of assistance instead?" Alok ko sa nanay ng kasintahan at baka may maipaglingkod naman ako sa kaniya.

"No worries, it's a good thing that he's not here. Balak ko lang talaga isadya ang mga ito bago ako umalis." Ngayon ko lamang napansin ang iilang shopping bags na hawak niya. How come I didn't notice these when she arrived? "Hindi man natupad ang hangarin ko na makipag-ayos sa anak ko. It is still a mother's duty to provide for her children. This is the least that I can do for him." Inilapag niya sa sahig ang mga munting regalo na para kay Paco. Each bag displays a different set of prominent brands for clothing, accessories, and even footwear.

"Kung ganoon ay aalis na po pala kayo..." Bahagya akong nalungkot. Kung kailan naman nagkakasundo na kami ni Tita Miranda ay saka siya lilisan.

"Si Paco lang naman ang pinunta ko rito. Apparently, he doesn't want me here. Kung hindi ako nagkakamali ay malapit na rin naman magwakas ang paninirahan niyo rito kampo, hindi ba? I'll just try again once he goes home." Kahit dismayado, natutuwa ako at hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa.

"I wish you all the best. Sana po magkaayos na kayo ni Paco!" Nakangiti kong saad upang patatagin ang loob ng ginang. I even gave her a thumbs up.

"Salamat, pero maiba tayo. May I trouble you with something. Gusto ko sanang kwentuhan mo ako tungkol kay Paco. I've been missing out lately on my son. If there's someone who truly knows everything about him, that would be you... his friend." Agad kong nakuha ang nais sabihin ni Tita Miranda. Nais niya lang mabatid kung ano na ang mga nangyayari sa buhay ng anak niya.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon