Prologue⛺

2.4K 34 3
                                    

Julian Sarmiento has always been a happy go lucky kid. Though may pagka-introvert ito dahil lumaking isolated sa bahay. Tanging ang lolo at lola lang kasi ang kasama niya rito dahil hindi na rin naaabutan ang mga magulang na gabi na kung umuwi.

Masyado siyang mahal ng pamilya kung kaya't hindi sila naging bukas na pahintulutan ang mga nais niyang gawin sa buhay. Hatid sundo pa nga siya ng lolo sa paaralan kahit malaki na. Bilang lang din sa daliri ang mga beses na nakapaglaro ito sa labas kasama ang mga dating kaibigan na ngayon ay hindi niya na alam kung nakikilala pa ba siya. Unico-hijo kasi kaya grabe na lang kung makapaghigpit. Aminadong nasasakal pero sa katagalan ay inintindi at kinasanayan niya na lamang ito. Tutal ang lagi namang dinadahilan sa kaniya ay dulot lamang ito ng kanilang pagmamahal kaya ayaw mapahamak.

Kahit ang pamilya niya ay may kamalayan sa ginagawa nilang labis na pagbabawal kay Julian, kaya nga bumabawi na lang ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras at ng mga luho. Hindi naman sila ganoon kayaman ngunit dahil nag-iisang anak lamang siya ay madali nilang nasusustentuhan ang kaniyang mga kahilingan. Sa kabila tuloy ng kaniyang sitwasyon ay masasabi niyang na-enjoy niya naman ang kaniyang kabataan dahil na rin sa atensiyon ng kaniyang pamilya.

Sa kabila ng pagkakakulong sa apat na sulok ng bahay ay hindi ito naging hadlang upang mas makilala ni Julian ang sarili. Malawak ang kaniyang imahinasyon at iyon ang ginawa niyang puhunan sa pagtuklas ng kaniyang pangarap. Maliban sa eskwela ay sa kaniyang laptop niya ibinubuhos ang naturang oras. Masaya ito sa paglikha ng mga librong fictional sapagkat sa ganitong paraan niya nailalatag ang mga bagay na hindi niya maaaring maranasan sa totoong buhay. Dugo at pawis ang ibinubuhos niya sa bawat obrang kaniyang ginagawa. Nang masiguradong masaya siya rito, napagpasyahan niyang maging isang ganap na manunulat. Kabado pa nga itong nagsabi sa kaniyang pamilya ngunit laking tuwa niya nang suportahan lang siya ng mga ito.

Ngayong 18 years old ay kakatapos niya lang ng Senior High School mula sa strand na HUMMS. Kung hindi ba naman kasi nauso ang pahirap na K-12 program na yan ay malamang tatlong taon na siya sa kolehiyo at nag-aaral ng creative writing.

Habang papalapit sa realidad, batid niyang hindi na aayon ang mundo sa kaniya. Lumalaki na siya kasabay ng mga responsibilidad sa balikat. Kahit pansamantala lamang, gusto niyang maranasang tumayo sa sariling mga paa at makawala sa puder ng pamilya.

Sakto at nauuso ang ilang summer activities sa kanilang henerasyon. Naging matunog sa mga tao ang isang summer camp na kung tawagin ay "La Tierra Firma". Lahat ng kabataan ay gustong maranasan ang lumungga rito dahil madaming aktibidades, magaganda ang tanawin at  mapayapa ang lugar na siyang mainam upang pagkalibangan ngayong bakasyon.

Tila isang bintana ang bumukas at nagsilbi itong pagkakataon para maisagawa ni Julian ang kaniyang ninanais. Dito ay magagawa na niya ang gusto niya. Ang mamuhay nang mag-isa at makabuo ng maraming kaibigan! Magsisilbi rin itong pahinga niya bago pasukin ang sandamakmak na stress sa kolehiyo. Tutal legal age na naman ang binata kaya paniguradong papayagan na siya ng pamilya.

Sa pagtapak ni Julian sa lupain ng "La Tierra Firma", hindi inaasahang makakabangga niya ang lalaking sobrang kasalungat ng kaniyang pag-uugali. Nuknukan ng yabang, sungit, at...kagwapuhan? Matatagalan kaya ni Julian ang pananatili sa kampo kung makakasama naman nito ang antipatikong nagngangalang 'Pacifico Del Mundo'?
............

Hi Guysss!So first time ko magsulat ng ganitong klaseng genre kaya please bear with me kung may mga kamalian akong nagawa or whatsoever.Talagang naaadik lang talaga ako sa bl kaya ko naisipang magsulat nitong librong ito.

Uulitin ko po ang storyang ito ay isang bxb themed story.Ibig sabihin dalawang lalaki,boy,man o kung ano pang tawag niyo sa kanila ang magiging bida ng istoryang ito.Kung isa kang homophobic piece of shit na walang ginawa kung hindi ang pumuna ng kamalian ng iba kahit hindi naman perpekto ay umalis ka na rito at hindi namin kailangan ng opinyon mo....

Pero syempre charot lang!Nasa sa inyo pa rin naman kung babasahin niyo ito. Malay niyo mag-iba ang paningin niyo at magustuhan niyo rin kalaunan eh kayo ang bahala.

I will do my part as an author kaya please do your part din po as a reader. Lahat po ng chapter ay pinaghihirapan ko kaya sana masuklian niyo iyon sa pamamagitan ng pag-vote,comment at add to reading list.No to silent readers! Nako very ekis kayo sa akin.

So yun lang!Sana maappreciate niyo po!

Started:11/11/20

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon