Chapter 5 ⛺

512 24 0
                                    

Hinila ko ang kumot hanggang sa aking leeg.Nanlalamig ang aking balat at tila nasa ilalim pa rin ng tubig.Binabalot ng ginaw ang katawan ko kahit nakapagpalit na.Hindi ko pa rin lubos na makalimutan ang trahedyang nangyari sa akin kanina lang.

Nandito ako ngayon sa clinic habang naka-confine.Sa gilid ng kama ay may mga upuan na siyang kinaroroonan ng mga kaibigan kong binabantayan pa rin ako hanggang ngayon.Matapos nga nila akong dalhin dito ay pinilit ko silang pabalikin sa field ngunit mas gusto raw nilang bantayan ako.Natuwa naman ako sa pag-aalala nila sa akin.Tsaka mukhang wala na rin naman daw babalikan sapagkat pinatigil na ni Lara ang team building dahil sa nangyaring gulo.

Cough!Cough!Cough!

Napaupo ako sa kama sabay ubo. Tinakpan ko ang aking bibig habang nagpapakawala ng malalakas na bwelta. Kahit ang baga ko ay hindi pa nakaka-move on sa pagkapuno nito ng tubig kanina.Lumapit naman si Isabelle sa akin upang himasin ang likod ko. Marahan niya itong tinatapik na siyang nakatulong sa akin.

"Nanghihina pa rin ang katawan mo?" Sinandal niya ako sa headboard ng kama at hindi muna pinahiga.Inabot niya ang remote sa gilid saka tinapat sa aircon upang hinaan.Nabatid niya yata na nilalamig ako.

"M-medyo ok na Isabelle...Thank you!" Ang totoo niyan ay lubhang masama pa ang pakiramdam ko.Nanghihina ang aking katawan kasabay ng pamimigat, panlalamig at panginginig nito pero ayoko na siyang mag-alala pa lalo sa akin kaya nagsinungaling na lang ako.

Ilang oras na rin ang nakalipas matapos ang aksidente.Nailabas ko na rin ang mga nainom kong tubig kaya paniguradong maya-maya lang ay babalik na ang lakas ko.Dapat sigurong magpahinga ako nang husto para mas mapabilis ang aking paggaling.

"Baka naman maagawan mo na ng trabaho ang nurse dahil sa sobrang pag- aalaga mo sa kaniya Isabelle!" Biglang napalayo sa akin si Isabelle nang marinig ang mga kantiyaw sa kaniya ni Allen. Hinampas niya ito sa braso dahil sa hiya. Sa isang gilid naman ay nagsosolo sina Nikko at Claire.Mukhang may something kaagad sa dalawang ito kahit kakakilala pa lamang sa isa't-isa.Kay bibilis gumalaw!

Nabaling ang atensiyon naming lima nang biglang humawi ang kurtina at pumasok si Nurse Yumi.Nakilala ko na siya kanina at siya ang talagang sumubaybay sa kundisyon ko at nag-check ng aking progress.

"Hi Julian!Kumain ka muna para lumakas na ang katawan mo." Nilapag ng nurse ang isang bowl ng lugaw sa gilid ng kama ko.Mabuti naman at light meal lang ang ibinigay niya sa akin.Parang wala kasi akong lakas na ngumuya at lumulon ng mga mabibigat na pagkain.

"Salamat Nurse Yumi!"Kinawayan ko siya hanggang sa muli na siyang lumabas sa kurtina."Uy kayo rin kumain na!" Saway ko sa apat kong bantay na mula kanina ay wala pang laman ang sikmura kakatingin sa akin.

"Eh papaano ka?Baka may kailangan ka pa..."Nag-aalangang sabi ni Allen pero bakas sa mukha niya ang gutom.Gusto pang pinipilit alam ko namang kanina pa kumakalam ang tiyan niya.

"Sige na ok lang ako!May nurse din diyan sa labas kung may kailangan ako kaya kumain na muna kayo."Ayoko namang sa akin  lang maubos ang oras nila kakabantay buong araw.Baka nga naalagaan nila ako pero napabayaan naman nila ang sarili nila.Ako pa ang malagot kapag nagka-ulcer sila.

"Mabilis lang kami promise!" Tumango ako kay Allen saka kumaway.Nako kahit nga tagalan niya pa ay ok lang.Nahihiya kasi ako at kanina pa sila nag-iingay dito sa clinic baka nakakaistorbo na sila sa iba.

"Babalik agad kami pre!"Sumaludo sa akin si Nikko bago umalis.Kinawayan ko lang ito at hindi na sumagot.

"Uy kumain ka rin ha!"Napahawak ako sa dibdib nang duruin ako ni Claire.May halong pagbabanta pala ito kapag nag-aalala.Tumawa na lang ako at tumango sa kaniya.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon