Chapter 54 ⛺

96 10 2
                                    

Hinagkan ko ang parehong binti kasabay ng pagdantay ng aking mukha sa tuhod. Isang kahibangan ang mag-asam ng mapayapang tulog matapos ang nangyari kagabi. I couldn't grasp even the smallest amount of sleep! Kahit anong nais kong magpahinga ay pilit bumabagabag ang pagtatalo namin ni Paco. What if that was his last straw? Papaano kung hindi na siya bumalik sa akin?

Pinagmasdan ko ang bakanteng kama sa tapat. Patag at walang halong lukot ang punda nito gawa ng hindi nahigaan. Mula kasi kagabi ay hindi pa umuuwi si Paco. Akala ko magpapahangin lang siya subalit nagkamali ako. Hanggang ngayon, wala pa rin ang nobyo sa kabila ng pagsikat ng araw. Labis niya ba akong kinamumuhian na nagawa niyang hindi umuwi rito? Wala akong intensyong baliktarin at gawin siyang masama pero kung ngayon pa lang ay nilalayasan niya na ako sa oras ng problema, papaano pa kaya kapag lumalim na nang tuluyan ang ugnayan namin?

Hinawi ko ang aking buhok saka napapikit nang mariin. Dapat ko na lang siguro siyang unawain. May kasalanan din naman ako dahil nagkulang ako sa kaniya.

Guilt started to eat me up again. To think na itinuturing niya bilang katunggali si Haruomi pagdating sa akin. Wala siyang dapat ikaselos dito sapagkat siya na ang hinirang ko bilang kasintahan. Though that's still not enough, is it? Nagkulang siguro ako ng assurance at pagmamahal sa kaniya kaya kami nagkaganito.

Tama pala ang nakararami. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ang buhay pag-ibig. May mga pagkakataon na talagang susubok sa tibay ng inyong pagsasama at labis ko itong pinaninibaguhan. Not to be a sad boy but I've been single my whole life! How am I supposed to be a perfect boyfriend in an instant?

Tok! Tok! Tok!

Halos mabuhol ng kumot ang katawan ko makababa lang sa kama at mabuksan ang pinto. Sinasabi ko na nga ba! Hindi ako matitiis ni Paco.

"Kagabi pa kita hinihin..." Mula sa bingit ng kaligayahan ay mabilis napalitan ng pagkadismaya. "Ikaw pala, Haruomi." Mahina kong bati nang ibang lalaki ang bumungad sa akin sa pinto. Perhaps my hopes and expectations were raised too highly.

"Sorry to bother you in the morning." Bakas sa binata ang matinding pagkalumbay. What's up with him? Akala ko gumaan na ang pakiramdam niya kahapon.

"No worries! Anong maipaglilingkod ko?" Isinantabi ko muna ang personal na damdamin bilang pakikitungo sa bisita. Ayaw ko naman kasing idamay sa lungkot ko si Haruomi lalo pa't may iniisip din siyang suliranin.

"Nothing actually. Gusto ko lang iabot sa iyo ang pamamaalam ko nang personal." Nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig. Pormal pa ang antas ng kaniyang pananalita kung kaya't mababatid kong hindi siya nagbibiro. Pamamaalam? Aalis ba si Haruomi? Saan naman siya pupunta?

"Teka, magpapaalam? Bakit?" Pinipili ko lang panatilihin ang ulirat subalit libo-libong posibilidad na ang dumadaloy sa aking isipan, partikular na ang pag-aaway namin ng nobyo. Baka kinausap siya ni Paco at pinakiusapang umalis ng kampo? Hays, impossible! Kahit nagdaramdam ay hinding-hindi niya ibababa ang sarili nang ganoon. Hindi kaya narinig ni Haruomi ang malakas na bangayan kagabi? Sinisisi niya sa sarili ang pagtatalo namin kaya nagkusa na siyang lumisan? Hmm that doesn't seem to be it!

"Kagagaling lang sa akin ng balita ngayong umaga." Tumikim muna siya at tila naghahanap ng lakas bago ituloy ang babanggiting salita. "H-he didn't make it." Makalipas ang ilang pagpipigil ay tuluyan nang nalagas ang kaniyang mga luha. Paniguradong lolo niya ang tinutukoy ni Haruomi.

"M-my deepest condolences." Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Should I hug him? Rub his back? Wipe his tears? Kung normal na araw lang ay iyon ang gagawin ko ngunit para bang lumilitaw sa isipan ko ang naninibughong mukha ni Paco. Hindi pa ba ako nadadala? Ano na lang ang sasabihin niya kung sakaling bumalik siya rito at nakita kaming magkayakap ng taong pinagseselosan niya?

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon