"Tara na?"Tumango ako sa kaniya saka nagsimulang maglakad.Nasa likuran niya lang ako sapagkat sinusundan ko lang ang direksyon na tatahakin niya.Wala naman kasi akong alam sa lugar na ito at wala sa plano ko ngayon ang maligaw.
Salitan ang naging tingin ko sa aking kanan at kaliwa.Napupuno ng mga tindahan ang bawat bangketa kaya hindi ako magkamayaw kung saan ko dapat ituon ang atensyon ko.Idagdag pa ang mabilis na paglalakad ni Paco kaya hindi ako makapokus masyado sa ginagawa ko.
Nang tuluyan nang makapasok sa loob ng bayan ay bumungad sa amin ang mga stalls.Mga pangunang tindahan lang pala ang nakita ko sa entrada at mas marami pa rito sa loob.Halos lahat ng gustong bilhin ng mga customer ay may tindahan para sa nais nila.May mga nagbebenta ng pagkain, kagamitan at pati na rin mga serbisyo tulad ng spa at salon.
Hindi ito ang inaasahan kong itsura ng pupuntahan namin.This was actually way better than I imagined.Ang naisip ko kasi sa pagkakakwento ni Paco sa bayan na ito ay parang ordinaryong lugar lang na hindi masyadong pinupuntahan ng tao ngunit hindi pala iyon ang kaso sa lugar na ito.This village is very civilized!
Napansin ko na marami ring turista na nagkalat sa bayan.Mukhang kilala pala talaga ang lugar na ito dahil pati ang mga taga ibang bansa ay nagagawa pang dumadayo rito sa may dako.
"Huwag kang lalayo sa akin."Bulong ni Paco sa akin nang mag-umpisa nang magkumpulan ang mga tao.Hindi naman ganoon kasiksikan ngunit sapat na upang masabing dagsain ang bayang ito.
Nawala ako sa ulirat nang makaramdam ako ng mainit na palad sa kamay ko.Agad akong naalarma sapagkat akala ko ay may hahablot sa akin na kawatan para nakawin ang cellphone saka wallet ko sa bulsa ngunit nagkakamali ako.My eyes traced from the tanned and veiny hand upto the face of whoever's holding me.
"P-Paco..."Mahina kong usal nang malamang kamay niya ang nakapulupot sa akin.He doesn't seem to notice it!Para bang nagkusa ang mga kamay niya na abutin ako.Baka ayaw niya lang akong maligaw kaya hindi na ako umangal pa. Bagkus ay sinuklian ko pa ito ng mas madiin na kapit.Tutal ay maraming tao na ang nagkukumpulan at nakakasalamuha namin.
"Oh mamili ka na rito."Sambit niya sa akin nang makarating kami sa isang souvenir shop.Base sa lawak ng tindahan na ito ay marami-rami akong pwedeng pagpilian.Kaya lang maraming tao kaya paniguradong mahihirapan akong magmasid sa mga paninda.
Mabuti na lamang at may mga sections na naghahati sa tindahang ito kaya hindi na ako mahihirapang tumingin.Kaagad akong tumungo sa floral section at tumingin ng maaaring gawing giveaways sa debut.
Hinipo ko isa-isa ang mga tinitindang kagamitan dito upang mas mapag-aralan ang kalidad at itsura ng mga ito.Mayroon silang floral necklace, floral bracelet, floral headband at floral keychain. Hindi ako sigurado kung isa sa mga ito ang dapat kong piliin.Syempre kung mamimili ako ng souvenir ay dapat matatak sa tao.Yung tipong kapag nakita nila iyon ay maaalala nilang galing iyon sa birthday ni Claire.
Napailing ako nang marating ang pinakahuling hilera ng mga paninda. Marami naman silang magagandang paninda ngunit wala man lang akong napili kahit na isa. As much as possible kasi ay gender neutral ang hinahanap kong produkto para pwedeng mapakinabangan ng parehong babae at lalaki.
"Wala akong mapili eh.May alam ka pa bang pwede?"Kamot ko sa ulo nang tuluyan na akong sumuko sa tindahan na ito.Nakailang balik na ako sa mga paninda nila ngunit wala talagang pumapasa sa panlasa ko.
"Dalawang tindahan lang ang may specialty sa floral designs dito.Ito tsaka yung isa sa pinakadulong parte ng bayan.However,that shop is very small. I'm not sure if you'll find anything there." Pagbibigay niya sa akin ng babala. Wala naman akong choice kung hindi subukan lahat ng aming magagawa.I must consider all of the choices that I have no matter how slim the chances are.
BINABASA MO ANG
Into The Wilderness (BxB)(BL)
RomanceJulian Sarmiento has always been a happy go lucky kid.Though may pagka-introvert ito dahil lumaki itong isolated sa bahay. Sa kabila ng pagkakakulong sa apat na sulok ng bahay ay hindi ito naging hadlang upang mas makilala ni Julian ang sarili. Mala...