Hindi naglaon ay dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat. The fundraising caravan has finally come at our doorstep after days of preparation!
Pinagmasdan ko ang paligid upang magsiyasat. Napupuno ng palamuti ang buong kampo kasabay ng samu't-saring booth na mula sa bawat cabin. Bukod dito ay may mga nagkalat ding mascot upang salubungin ang mga bisita. The whole camp exceeded my expectations. This is more than just a fundraising caravan! Daig pa nito ang mga kilalang pista na naitala sa tanang kasaysayan.
The numerous attractions plus pleasing attitude of every personnel definitely made the event more appealing. Ang bilin kasi sa amin ni Lara, dapat daw maging warm and entertaining ang approach ng gaganaping caravan. Otherwise, maaaring madismaya ang mga bisita at hindi na bumalik sa susunod.
Huminga ako nang malalim bilang paghugot ng lakas. Ilang araw itong pinaghandaan ng kampo kung kaya't buong puso akong naniniwalang mairaraos namin ito nang matagumpay.
"Kumpleto na ba ang lahat?" Tanong ko kay Paco habang salitang tinitignan ang aming bake sale booth at checklist. "Loaf bread... Garlic bread... Banana Bread... Spanish bread... Brownies... Donuts... Cookies... Cupcakes..." Kumpleto naman ang mga tinapay na nasa listahan pero hindi ko maiwasan ang mapaisip. It seems so many yet also too few. Baka kapusin ang mga paninda kung sakaling dagsain kami ng customers mamaya. Should I add more?
"Calm down! Take a seat first." Inakay ako ni Paco patungo sa isang bangko saka sinandal. Binigyan niya ako ng malamig na tubig kasabay ng malakas na pagwasiwas niya ng pamaypay. "You've been stressing yourself lately. Chill..." Minasahe ni Paco ang aking palad paangat sa bandang braso. My body wants to relax but my mind keeps getting in the way.
"Papaano akong magpapahinga? Alas diyes magbubukas ang kampo sa publiko. Alas nuwebe na ngayon!" We only have an hour to make sure that everything is perfect. Mabilis lang ang pagdaloy ng oras kung kaya't nais ko itong lustayin sa pagsusuri kung polido na ba ang lahat.
"Mahaba pa ang oras kaya magpahinga ka muna. Para naman makabawi ka ng tulog kahit papaano." Payo niya sabay turo sa ilalim ng aking mga mata. I looked in the mirror and saw a dark shade of skin underneath my eyes. Marahil bunga ito ng pagpupuyat ko kagabi. I wasn't able to get any sleep at all. Kahit na anong pikit ang aking gawin ay nanatiling gising ang diwa ko gawa ng labis na pagkasabik.
"Minsan ko lang naman sasagarin ang sarili ko kaya pagbigyan mo na ako, Paco." Lambing ko sa nobyo. Wala pang nauumpisahan sa pagtitinda ngunit batid kong pagod na rin siya. Hindi pa man kasi sumisinag ang araw ay nagtungo na kami sa canteen para mag-bake ng mga tinapay. Suhestiyon ni Paco na bumili na lang kami ng aming mga produkto subalit hindi ako pumayag sapagkat naniniwala ako na gawaing pantamad iyon. Syempre iba pa rin kung kami mismo ang gagawa ng ititinda namin. Bukod pa roon, saan kami maaaring humagilap ng baked goods gayong karamihan ng tindahan sa bayan ay nilamon ng nagbabagang apoy? Even if we are to consider reselling of products. We will have trouble finding a supplier. So baking the breads all by ourselves is the only way to go.
Mabuti na lang talaga at pinahintulutan kami ni Lara sa paggamit ng kusina. She even provided us ingredients since we don't have pocket money. Ang tanging gagawin na lang namin ay ang sumipot doon at maghurno ng sariling tinapay.
Though we came across a problem. Wala pala ni isa sa amin ni Paco ang marunong mag-bake. Naging malaki itong problema dahil kanina lang namin napagtanto. I remember us blaming each other. Ang point ko kasi, sa dinami-dami ng mapagpipilian sa ginawa kong booth ideas ay bake sale pa ang pinili niya. Hindi naman pala siya marunong! On the other hand, akala niya raw ay alam ko kung papaano. I included bake sale on the list so I'm supposed to be familiar with baking. Dagdag pa nito na marunong daw akong magluto kaya inasahan niyang may kaalaman din ako ukol dito. Kung hindi ba naman siraulo ang kasintahan at ginawa pa akong panadero nang wala sa oras. Batid kong magluto pero mga ulam at panghimagas lang ang alam ko, hindi ang paghuhurno ng tinapay!
BINABASA MO ANG
Into The Wilderness (BxB)(BL)
RomanceJulian Sarmiento has always been a happy go lucky kid.Though may pagka-introvert ito dahil lumaki itong isolated sa bahay. Sa kabila ng pagkakakulong sa apat na sulok ng bahay ay hindi ito naging hadlang upang mas makilala ni Julian ang sarili. Mala...