Chapter 16 ⛺

292 18 0
                                    

Inubos ko ang buong lakas ko sa pagkakalikot ng telepono upang magpalipas ng oras. Paulit-ulit na nga lang ang cycle ng mga apps na ginagamit ko.Kung hindi sa social media ay games lang ang aking bagsak.Kapag naman nagsawa na akong maglaro ay babalik na ako sa ibang apps.

Mas pinili ko na lang kasing manatili rito sa cabin dahil nga sa karamdaman ko. Ang sabi ni Nurse Yumi ay mas mabilis daw ang paggaling ko kung lilimitahan ko ang pagkilos ko kaya talagang sinusunod ko ang payo niya.

Kahit din medyo masakit ang katawan ko ay pinipilit ko na lang itong tiisin.As much as possible I try to avoid any medications. Mahirap na at baka maging drug dependent pa ako.Saka na lang ako iinom ng gamot kapag hindi ko na talaga kaya ang sakit.

Nang tuluyan nang mabagot ay pinatay ko na ang cellphone ko.Alas otso pa lang ng umaga pero buryong-buryo na ako. Usually kasi ay nasa labas na ako ng mga ganitong oras kasama ang mga kaibigan ko.Hanging out with them is my best option to kill time aside from writing.

Kahit nga almusal ay nalagpasan ko na para lang hindi makalabas.Though niyaya ako ni Paco kanina upang sabay nang pumunta sa canteen pero sinabi ko busog pa ako.Sana pala sumama na lang ako sa kaniya para hindi ako nag-iisa rito.Isa rin kasi sa mga pumipigil sa akin ay ang abalang maibibigay ko sa mga tao dahil nga naka-wheelchair ako.I just don't like the feeling of being this vulnerable. Para bang wala akong silbi sa mundo at tanging pabigat lang sa iba.

Tinignan ko ang aking laptop na nakapatong sa lamesa.Magsulat na lang kaya ako ng panibagong kabanata sa libro ko?Ang kaso ay wala akong gana. Minsan lang ako tamarin sa pagsusulat at kadalasan lang itong napupunta sa writer's block.Mabuti pang huwag ko na lang ito pilitin kaysa naman sa pangit ang magawa ko.

Click!

"Good morning!"Nabali ang pagiging balisa ko nang biglang bumukas ang pinto.Nakabalik na pala si Paco.Bumaba ang tingin ko sa mga plastik na bitbit nito sa kaniyang mga kamay."Oh pasalubong." Nilapag niya ang mga pagkain sa kama ko.Pinaligid ko ang paningin ko sa dala-dala niya at isang pagkain ang kaagad kong napansin.

"Oyyy!Favorite ko!"Kahit nananakit ang katawan ay talagang dinakma ko ang grupo ng mga kahel mula sa dulo ng kama ko.Kung hindi ako nagkakamali ay itong-ito ang mga sinusubukan kong sungkitin kahapon sa gubat."Paano mo nalaman?"Tanong ko sa kaniya habang inaamoy pa ang mga nagbabanguhang prutas. Parang nagtalunan tuloy ang mga taste buds ko dahil sa pagkatakam!

"Orange tree ang inaakyat mo kahapon diba?I figured you liked those oranges." Sabi nito sabay hubad ng kaniyang pang- itaas.Malamang ay dahil na rin sa init. Sinampay niya ang kaniyang damit sa balikat saka umupo sa kama ko. "Kailangan mo ng tulong sa pagbabalat?" Alok ni Paco saka kumuha ng isang pirasong kahel.Marami-rami naman ito kaya ok lang din kung gusto niyang kumuha.

"Ok lang kaya ko na.Salamat!"Mas una ko pang nilantakan ang prutas kaysa sa ibang pagkain mula sa canteen.Ito kasi talaga ang hinahanap ng panlasa ko mula kahapon pa."Kuha ka lang diyan kung gusto mo ha!Teka bumalik ka pa sa gubat para lang pumitas nito?"Base kasi sa pagkakaalala ko ay saging, mansanas at ubas lang ang kadalasang prutas sa canteen.Kung may orange man silang supply ay hindi ganito  katamis at kalaki ang mayroon sila kaya paniguradong galing ito sa gubat.

"Nadaanan ko lang sa morning jog kanina.Naisip ko na baka iyan ang pakay mo roon kaya ka pumanik ng pagkataas-taas na puno.There was even a huge bird nesting over there.I was lucky it didn't attack me."Aba'y kabastos naman ng ibon na iyon at namimili pa ng aatakihin.Ang dami-dami kong sinapit para lang sa prutas na ito pero ganoon niya lang ito kadali kinuha.

"Thank you ulit Paco!Nag-abala ka pa." Nakaramdam tuloy ako ng hiya sa kaniya pero base sa mukha niya ay parang ok lang naman sa kaniya.Kaibigan na nga talaga ang turing niya sa akin para ipagpitas pa ako ng prutas."Hindi ka ba lalabas para makipagkita kay Isabelle?" Tanong ko nang nakabantay pa rin siya sa bawat pagsubo ko.Kadalasan kasi ay simula paggising diretso agad siya sa labas upang makipagbebe-time at gabi na kung uuwi rito sa cabin.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon