Matapos ang pagtatalo namin ni Paco ay hindi ko na ito masyado isinapuso pa.Tama na ang paglulugmok ko sa kalungkutan.What's done is already done.Oras naman para sumaya ako kahit minsan kung kaya't nagpasya ako na makihalubilo sa iba ko pang mga kasamahan dito sa kampo.
"Pasok!"Sigaw ko nang sumakto sa baso ang pinatalbog kong bola.Ilang beses ko itong nagawa na siyang nagdulot sa amin ng tagumpay.Tumaas ang aking kamay upang salubungin ng apir ang mga kasama ko.We're currently playing beer pong which is a fun and exciting game. Simple lang ang mechanics ng laro. Kailangan mai-shoot ang ping pong ball sa baso ng kalaban at kung sino ang unang makaubos ay siyang maituturing na panalo.
"Mabuti naman at naisipan mong sumali sa amin.Kanina pa kami natatalo eh." Tuwang sabi ni Allen sapagkat nabuhat ko ang buong team.Actually hindi ko naman alam ang ginagawa ko.Basta binabato ko lang bola at kusa na itong tumatalbog papasok sa baso.Siguro magaling lang ako umasinta.
"Papaano kayo mananalo?Eh lasing na kayo!"Tugon ni Isabelle.That explains their inaccuracy.Kaya naman pala parang duling kung tumira ang mga ito ay dahil nag-iikot na talaga ang kanilang paningin.Despite the obvious redness among their faces, I can tell that this is only the minimum level.Paniguradong may ilalala pa ang mga ito mamayang paglalim ng gabi.
"Ang mahalaga ay panalo tayo all thanks to Julian." Pagbigay sa akin ni Claire ng credit.Matapos manalo ay lumipat na kami papunta sa ibang lugar para naman makalaro yung iba.Nakakasawa kasi kung paulit-ulit namin itong lalaruin.
"Saan ka ba nanggaling, Julian?Kanina ka pa namin hinahanap."Usisa ni Nikko habang kami'y naglalakad sa kung saan dalhin ng aming mga paa.Hindi ko inaasahan na sa dami ng pagkakaabalahan dito sa party ay magagawa pa rin nila akong hanapin. Nakaramdam tuloy ako ng labis na pagkagalak. Hindi man ako pinalad sa pag-ibig ay swerte naman ako pagdating sa mga kaibigan.
"Tumambay lang sa may bonfire. Nilalamig kasi ako kanina."Wika ko na siyang base sa tunay na pangyayari, pero syempre hindi ko na sinama ang mga sumunod doon.
"At dahil ngayon ka lang dumating, oras na para binyagan ka."Tugon ni Claire sabay hila sa akin patungo sa isang portable bar stand.There I saw a wide variety of beverages including vodka, beer, gin, whiskey, wine and tequila. Each selection has its own thing depending on the person's preference. Unang tingin pa lang sa mga nakalatag na alcohol ay parang mamamatay na ako. Hindi ito lugar para sa mga taong walang hilig sa paglaklak ng alak.
"Teka kailangan ba talaga uminom?" Kinakabahan ako sapagkat hindi ako nakapaghanda.Games lang ang pinunta ko rito at wala nang iba.Plus, my body highly intolerates booze.Isusuka ko lang ito mamaya.
"Kaunti lang naman, Julian!" Tinapik ni Nikko ang balikat ko upang bawasan ang aking kaba.Kahit na ba kaunti ay hindi malayong malasing ako lalo na't matatapang lahat ang epekto nito.
"Pa-birthday gift mo na sa akin!" Lumalangitngit na hiyaw ni Claire habang nasasabik sa ipapainom sa akin. Anong pa-birthday gift eh may regalo naman talaga ako sa kaniya?
"Isa lang ah!"Sumuko na ako dahil mukhang wala na rin naman akong kawala.Pagbibigyan ko na lang sila sapagkat espesyal na okasyon naman ang aming pinagsasaluhan.
"Sandali ihahanap kita ng mild." Pumawewang si Allen habang pinalilibot ang mata sa mga nakahaing inumin. Ilang sandali pa ay bumunot na siya ng baso saka naghain ng ibibigay sa akin. Kaagad naman akong naginhawaan nang mapili niya ang isang fruit punch.Batid kong may alak din ito pero kumpara sa iba ay paniguradong ito ang pinaka-light sa katawan. He submerged the laddle deeply into the bottom of the bowl and gently poured a mouthful of liquid inside the party cup."Oh!"Inabot niya sa akin ang nag-uumapaw na baso.Walanghiya talaga ito kahit kailan!Isa nga lang pero sinulit naman.
BINABASA MO ANG
Into The Wilderness (BxB)(BL)
RomanceJulian Sarmiento has always been a happy go lucky kid.Though may pagka-introvert ito dahil lumaki itong isolated sa bahay. Sa kabila ng pagkakakulong sa apat na sulok ng bahay ay hindi ito naging hadlang upang mas makilala ni Julian ang sarili. Mala...