Chapter 2⛺

753 34 0
                                    

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama.Matapos ang orientation ay nag-disperse na ang mga tao.Yung iba ay naglibot pero ako ay pinili na lang na manatili rito sa cabin.Wala kasi akong ganang maglibot lalo na at mag-isa lang ako.Haysss!Nasaan na ba kasi yung roommate ko?

Tinignan ko ang bakanteng espasyo sa tapat ng kama ko.Malapit nang mag-alas sais pero hindi pa rin dumarating ang makakasama ko sa kwarto.Hindi kaya mag-isa lang talaga ako rito?Nako huwag naman sana!

Maya-maya pa ay napaupo ako sa kama nang biglang may pumihit ng pinto.Sumabay ang tibok ng puso ko sa dahan-dahang pagbukas nito.Sana ay ito na ang roommate ko!

Sa tuluyang pagbukas ay bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukha. Siya yung lalaking dumating kanina sa kampo.Mukhang ngayon lang natapos ang pagproseso ng papeles niya kaya natagalan.Teka siya ba ang makakasama ko rito sa kwarto?

Hinagisan ako nito ng tingin pero binawi rin agad.Binagsak niya ang kaniyang mga gamit sa sahig at naghubad ng jacket.Umupo na ito sa kama upang tanggalin ang kaniyang sapatos.

Mukhang wala itong balak makipag-usap sa akin.Kung ako naman ang magsisimula ng usapin ay baka hindi naman niya ako pansinin.Hindi pa naman ito mukhang approachable dahil laging nakabusangot ang mukha.Kaso kating-kati na talaga akong makipagkaibigan sa kahit na sinuman.Hindi ako papayag na lilipas ang gabing ito na wala akong nahahanap na barkada o kahit na isang tropa man lang.

Bago ako tumayo ay isinaulo ko muna ang mga linyang sasabihin ko. Mahirap nang mautal at baka pagtawanan ako nito.Huminga ako nang malalim sabay lapit sa tabi niya.

"Hi!Ako nga pala si Julian."Nilahad ko ang kamay ko sa kaniya pero laking kahihiyan ang natanggap ko nang hindi niya ito pansinin."Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Muli ay wala itong imik sa akin at patuloy lang sa paghuhubad ng medyas.Nakita ko ang mga gamit niya sa tabi.Mukhang pagod na siya para maglabas ng mga inempake niya." Gusto mo tulungan kita sa pag-aayos ng gamit..."Nahinto ako sa pagsasalita nang tumingala na ito at tignan ako nang masama.

"Pwede bang manahimik ka na? Nakakairita 'yang boses mo."Inis na tugon nito sabay hagis ng sapatos sa isang tabi.Binawi ko na ang kamay ko sabay lagay sa bulsa ng shorts.

"Sungit naman!Nakikipagkaibigan lang eh."Bulong ko pero mukhang narinig pa rin niya ito. Tumayo ito mula sa kama saka humarap sa akin.Nakatingala na ako para lang magtama ang mata namin dahil sa sobrang tangkad nito.

"Look,wala akong balak na makipagkaibigan sa'yo o kahit na kanino.Okay?Now do me a favor and just mind your own business." Tumango na lang ako at bumalik sa kama.Lord bakit ganitong tao pa po ang napunta sa akin?Masyadong nakakadismaya ang pag-uugali niya.

Ayaw pala nito makihalubilo eh.Kung ganoon ay bakit pa siya nandito?Edi umalis na lang siya kung ganyan naman pala ang ugaling ipapamalas niya.Tama lang pala ako ng unang impresyon sa kaniya.Puno ito ng kahambugan at kayabangan sa sarili.

Dahil sa inis ay kinuha ko na lang ang laptop ko at dito nilubog ang aking sarili.Kaysa mabagot ako sa katahimikan ay manonood na lang ako ng palabas o di kaya'y magsusulat ng libro.Tutal ay may wifi naman ang bawat cabin dito kaya paniguradong mabilis ang internet.

Marami-rami na rin akong genre na nagawan ng aklat tulad na lamang ng Horror,General Fiction at Comedy. Ngayon ay werewolf ang tema ng kasalukuyan kong libro.Gusto ko sana subukang gumawa ng romance pero sa ganitong libro lang nabablangko ang isipan ko.Sa buong buhay ko kasi ay hindi pa ako nagkakaroon ng kasintahan at bihira lang din ako magka-crush sa isang tao dahil study first nga.Siguro ay makakagawa lang ako ng love story kapag alam ko na mismo sa sarili ko kung ano nga ba ang pag-ibig.

Sa loob ng isa't kalahating oras ay mabilis akong nakabuo ng panibagong kabanata sa aking libro. Basta pagdating sa ganitong bagay ay mabilis gumana ang utak ko.Agad din itong nakaani ng notifications na siyang aking ikanatuwa.Sa loob ng anim na taon kong pagsusulat ay nakalikom na ako ng 20k followers sa wattpad.Hindi na rin masama sapagkat isa lang naman akong aspiring writer at hindi pa propesyunal.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon