Chapter 52 ⛺

93 8 11
                                    

"Grabe yung ngalay ng mga paa ko!" Hingal na sambit ni Nikko habang nakadantay sa magkabilang tuhod. Hinablot niya ang katabing mineral water at mabilis itong nilaklak. Masyado yata siyang napagod sa pagsayaw.

"Extreme ba naman ang pinili mo. Malamang paspasan iyon!" Sarkastikong tugon ni Allen sabay batok sa kaniyang pinsan. Sa daming beses nilang maghampasan ng ulo ay hindi na ako magtataka kung malamog ang utak ng dalawang ito.

Kasalukuyan kaming nasa booth nina Isabella at Claire para subukan ang kanilang dance machine. Break time kasi ng campers kaya pwede kaming magliwaliw. Though it only last 45 minutes. Maya-maya lang ay babalik na naman kami sa trabaho.

"May gusto pa bang sumalang?" Tanong ni Isabelle sa aming magbabarkada. Hawak-hawak niya ang kable ng kuryente bilang pagbabadya na patayin ang makina. Marahil kanina pa ito nakabukas at kailangan nang pagpahingahin.

"Sali ako!" Maligalig kong saad. Kailan pa kasi ang huli kong karanasan sa ganitong aparato. If I remember correctly, I was still a kid back then. Paniguradong marami na itong mga upgrades at improvements kung kaya't lalo akong nananabik gamitin.

"Ikaw lang mag-isa? By pair kasi ito." Wika ni Claire na siyang nagdulot sa akin ng pagdadalawang-isip. Is that kind of setting still required? Papaano naman yung mga taong mag-isa lang at walang kasama?

"Wala bang solo player diyan?" I inquired further. Ayon kasi sa pagkakatanda ko, may ganoon namang option. Besides, mabilis lang ako gagamit kaya hindi ko na kailangan ng kapareha.

"Mayroon naman kaso parang ang awkward kung wala kang kasama." Napaisip ako sa kaniyang sinabi. Mukha nga akong ewan kung mag-isa lang akong sasayaw, pero sino ang dapat kong yayain? Pagod na sina Isabelle at Claire. Sina Allen at Nikko naman ay katatapos lang. Ang tanging pagpipilian ko na lang ay sina Paco at Haruomi.

"Gusto mong sumama?" Hiya kong alok kay Paco. Natural lang na siya ang unang pumasok sa isipan ko. Sino ba ang boyfriend ko? Edi ang lalaking ito!

"You go on ahead." Matamlay niyang tanggi sa aking yaya. Hanggang ngayon pala ay dinaramdam niya pa rin ang nangyari sa amin kagabi. Papaano ko ba siya susuyuin para mawala na ang tampo niya?

"Uhm..." Hinimas ko ang aking braso sapagkat nakaramdam ako ng kaunting hiya. Now I know how it feels to be rejected. "Hindi bale!" Kahit nakayuko ay batid kong nagpapalitan na sila ng tingin. Paniguradong kinukutuban na ang mga ito ukol sa suliranin naming magkasintahan.

"Ako na lang ang sasama sa iyo, Julian!" Turan ni Haruomi upang saluhin ako sa tumataas na tension. Lubos akong nagpapasalamat sa pagkukusa niya ngunit hindi ko maiwasan ang mag-alinlangan. Baka kasi lalong sumama ang loob sa akin ni Paco kapag tinanggap ko ang alok ng binata. On the other hand, nagmamalasakit lang si Haruomi kaya parang ang bastos naman kung aayawan ko ang alok niya. Argh! What should I do?

"A-anong oras na pala! Lipat na tayo sa ibang booths. Next time ko na lang susubukan iyan." Nauutal kong palusot bilang pagtakas sa sitwasyon. Hindi na lang ako sasayaw para walang away. In this way, I don't have to choose and side with anybody.

"Whatever suits us!" Mabilis na nagligpit ang mga dalaga para makausad kami. Malapit na rin kasi malagot ang natitirang break time namin. 30 minutes na lang. Ni hindi pa kami nakakakain o nakakabanyo man lang.

Susunod naming dinayo ang kubol nina Allen at Nikko. Photo booth ang gimmick nila na siyang patok din sa mga madla. Apparently, may iilang gumaya sa kanila kaya medyo marami ang katunggali pagdating sa mga customers. Talagang pagandahan na lang ng props, ideas at concept upang manaig.

Pagdating sa naturang lokasyon ay kaagad kaming namangha sa inabutan. Inaasahan naming pipityugin lang ang mapupundar nilang photobooth ngunit bakas sa wangis nito ang matinding paghahanda. They were dedicated enough to fully fund for this!

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon