Louis POV
"Kumalma ka philip, papunta na yung healer dito" si tito.
Halos di na makilala si bryan dahil sa tinamo nyang mga atake kay virgo.
Ang daming dugo sa katawan at mukha nito pero buti conscious pa rin sya.
"Sinong may gawa nito!" Sigaw pa nung philip.
"Sya po ang nauna" singit ni marcus.
"Ikaw nanaman!" Sigaw nito at dali daling pumunta sa gawi ni marcus.
Sasaktan nya ba si marcus?. Teka dapat may gawin ako kasi spirit ko ang may gawa non.
Shete!.
"Virgi pigilan sya!" Utos ko.
Mabilis naman na humarang si virgo dun sa papa ata ni bryan.
"Wag mo nga kong hawakan!" Sigaw nito.
"Huminahon po kayo!, hindi po si marcus ang may gawa n'yan kay bryan" sabi ko.
"Kung hindi si marcus, sino!!" Sigaw nito.
"A-Ako p-po" pag amin ko.
"Ikaw!, at sino kay para saktan ang anak ko!" Sigaw nito.
Nagpupumiglas sya kay virgo pero hindi pa rin talaga sya makawala rito.
"PHILIP!, HUMINAHON KA NGA!. YANG BATANG KAUSAP MO AY SI LOUIS!, PAMANGKIN KO!!" Malakas na sigaw ni tito.
Nakakatakot naman si tito!, para syang papatay ng sampong dragon.
As expected tumigil yung philip sa kakasigaw nito.
"A-Ahhhh pasensya, ikaw pala yung louis" sabi nito. Bigla naman tong bumait nakakailang.
Humarap naman ako sa mga guardian ko at pinabalik ko na sila at buti sumunod na sila.
"Ano nanamang ginawa mo ha!" Isang malakas na batok nung philip kay bryan at parang di iniinda na duguan ang anak nito.
"A-Ahmmm tama na p-po, hayaan nyo pong tulungan ko sya!" Sabi ko.
Bigla namang binaling yung tingin nito sakin at naging maamo ang mukha.
"Card of the mermaid, labas aquarius!" Sabi ko.
Lumabas naman si aquarius pero may kakaiba sa itsura nya, hmmm meron syang korona or headband ata sa ulo nito.
"Teka anong meron d'yan?" Tanong ko.
"Parusa ni libra saming tatlo, hihigpit ito pag hindi ka namin sinunod. Pasensya na po master. Ano pong iuutos nyo sakin?" mangiyak ngiyak na tanong nito.
Ang higpit ni libra ah.
"Pwede mo bang pagalingin si bryan"
"Masusunod po" malumanay na sabi nito.
Agad agad naman itong lumapit kay bryan at unti unting naghilom ang mga sigat nito pero halata pa rin kay bryan yung pagod.
"Salamat aquarius pwede ka nang bumalik"
"Dad!, kasalanan nya yon!" Sigaw nito habang hawak hawak yung tyan nito.
Isang malakas na hampas sa ulo ang natamo ni bryan galing sa kanyang papa.
"Ikaw ang nag simula nito kaya wag kang manisi ng iba!" Panibagong hampas nanaman.
"Louis, ipapakilala ko sayo tong dalawang 'to" si tito.
Panibagong hampas nanaman ang natamo ni bryan mula sa papa nya.
"Umayos ka nga tayo!" Sita nito."Sya si philip" turo ni tito dun sa tatay ni bryan. "Business partner ko, at sya naman si bryan" turo nito sa lalaking hambog.
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world