Chapter 60

1.7K 117 4
                                    

Louis POV

Buti naman at nakasalubong ko si bryan dahil baka alam nya yung bahay ni tito.

"Bryan!, ituro mo ngayon kung nasan ang bahay ni tito!"

"Chill!, bakit ka tumatakbo at bakit ka nasa anyo ng merge?, alam kong malakas ka na sa bagay na yan per—"

"Ituro mo nalang sakin!" Sigaw ko.

"Bakit ba?"

"Bryan!, nagmamadali ako kwento ko sayo later!"

"Hindi sabihin mo muna sakin!" Sigaw sakin pabalik ni bryan.

Tinitigan ko pa sya ng matalim sa mata pero di sya nagpatinag.

Hirap talaga sa taong 'to!.

"Okay!, pano ba to umpisahan!. Mamayang gabi na isasagawa ang plano at lahat ng tao sa syudad ay posibleng mamatay kung di ko pipigilan sila tito" sabi ko sakanya.

"Yun lang?, feeling ko hindi pa yon lahat" kampanteng sabi nito.

"Haaayst!, okay!, niloko ako nila mae, marcus, tito, papa mo!, at marami pang iba!, hindi ko alam kung alam mo tong bagay na 'to!, hindi totoong pamangkin ako ng 'señorito' nyo rito!, tingin nila sakin gamit at alam ko na yon una pa lang sa mga trato nila sakin!, sinabi sakin ni mae ang bagay na 'to at set up lang ang lahat nang mga nangyari!, kung bakit ako nakulong bakit nasaktan sila sheena at hildred!, gusto nila akong kontrolin!" Sigaw ko kay bryan.

"Oh, wait. Wait lang!, wala akong alam d'yan!, ngayon ko lang nalaman yan swear!"

"Shall we?" Tanong ko.

Tumango naman sya.

Buti nalang dahil isa sa mga kapangyarihan ni capricorn ay maging malakas kaya ni-convert ko ito sa bilis.

Palabas na sana kami ni bryan sa mirage na pumoprotekta sa mga tao na pupunta rito kaso nakasalubong namin sila marcus at si troy at nakaharang sila sa dinadaanan namin.

"Sa'n kayo pupunta" sita ni marcus.

"Bawal umalis dito dahil bilin ng tito mo louis" dagdag pa nito.

Dahan dahan akong lumapit sa harapan nito.

At nung lumapit na ko ay isang malakas na sampal ang binigay ko sakanya, para yon sa lahat lahat ng ginawa nya sakin at lalong lalo na ang pagsisinungaling nya sakin.

"Louis!" Si troy.

Magkakasama lagi sila ni marcus at ni mae kaya walang duda na alam din ni teoy ang lahat.

"Nakakatawa lang na grabe yung kaplastikan ng ugali mo!, nyo!. Ang bait mo troy pag nasa harap mo ko pero di mo naman sinabi sakin yung mga nalalaman mo!" Duro ko sakanya.

"Chill, ano bang pinagsasabi mo d'yan?" Maang-maangang sabi nya.

"Kayo!, gamit lang ang tingin nyo sakin!, hindi rin totoo na itong bahay na 'to ay para sa mga mahihirap at walang mapuntahang mga bata dahil kinikidnap nyo ang ilan sa mga pamilya nila para makontrol nyo ang mga kabataan dito!, pang blackmail!. Wala kayong puso!, kayo ang masasama!" Sigaw ko sakanila.

"Sinong nasabi sayo nyan?" Si marcus.

"Bakit?, papatayin nyo?!, alam ko na ang lahat lahat marcus!, alam ko na!. Kaya tumabi ka d'yan dahil pipigilan ko ang kaguluhan at digmaang magaganap!" Sigaw ko sakanya.

Bigla naman silang humarang.

"Hindi pwede!, kahit wala ka kaya naming isagawa ang digmaan na 'to!" Si troy.

"Pipigilan nyo ko?" Tingin ko sakanila.

"Kung yun ang kailangan" nakangiting si troy.

Troy, 20 years old mayroon syang krus na dila.

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon