Chapter 5

3.3K 214 1
                                    

Louis POV

"hayyy nakooo nakakapagod naman!" Reklamo ni rose ngayon ay hapong hapo na

"Halata nga na pagod na pagod ka kasi ang dami mong dala" sarkastikong sagot ko sakanya dahil halos nasakin lahat ng pinamili namin

"Ay sorry louis haha akin na nga yung iba" sabi ni rose

"Hindi ako na kaya ko naman hehe" sabi ko dito

"Sure ka? Okay sabi mo eh" sabi nito

"Uwi na ba tayo rose?" Tanong ko dito

"Last nalang kailangan natin mag grocery wala na kasing laman yung ref at wala tayong pang midnight snack mga titsirya at mga softdrinks alam mo naman water is life but softdrink is-"

"Lifer" sabay naming bigkas at tumawa

Ngayon nasa escalator na kami pababang 3rd floor ang grocery store ay nasa underground kaya habang umaandar ang escalator ay naglalakad kami pababa para mabilis. hanggang sa nakarating na kami ng grocery store

"Mauna ka na rose papaiwan ko lang tong mga pinamili natin at susunod ako kuha ka na rin ng cart at mag umpisang kumuha ng mga bibilhin natin para mabilis tayong makauwi" sabi ko dito

"Sige bilisan mo ah"

"Oo"

Umalis na si rose habang ako pumipila para paiwan yung mga pinamili namin na sobrang dami sa baggage. Di naman masyadong maraming tao kaya napaiwan ko na agad don sa isang crew sa store kaya hinanap ko agad si rose,

tinitingnan ko every stante na madadaanan ko baka nandoon sya pero wala sya ang lawak naman kasi ng grocery na to kaya naghanap na lang ako ng pwede kong mabili sakto may nakita ako na sabon na aloe vera hiyang kasi ako sa sabon na yon kaso lang di ko sya maabot kahit nakatingkayad na ko, though naabot sya ng daliri ko pero kailangan ko pang sungkit sungkitin gamit daliri ko.

Habang tumatagal malapit na mahulog pero kinuha sya nung tao sa likod ko kaya umayos na ako ng tayo

"Sa-salamat" sabi ko dito, matangkad sya para sa tansya ko mga 5'11 ata sya,pero diniretso nya sa dala dala nyang cart yung sabon na pinag hirapan ko

"Anong salamat ako kumuha nito kaya akin to" sabi nya sakin habang ngumingisi pa sya

"Ako ang nauna dyan" sabi ko dito na taas noo

"Anong ikaw ako ang nakakuha nyan kita mong malalaglag na ilang ilang usog nalang laglag na yon tas inaangkin mo kung gusto mo ng ganyan kumuha ka ng sarili mo" gigil na sabi ko sakanya

"Hindi mo pa nababayaran diba so di pa sayo to" sabi nito at ngisi pa rin nito sakin

"Gusto mo yan sayo na!" Sabay alis may naririnig pa kong tinatawag nya ko pero di ko na sya nilingon nakakagigil hanggang sa nakita ko si rose na may dala dalang cart na napakaraming laman

"Oy rose ano ba yan ang dami nyan di tayo mag sasari sari store" sabi ko dito

"Pabayaan mo na remember di lang tayo ang nasa bahay"sambit nito habang namimili ng bibilhing softdrinks

"Kahit na ang dami nyan parang wala ng bukas kung bumili ka"

"Hayy nako para kasing wala ng bukas kung bumili"

"Pabayaan mo na haha. Mamili ka ano dito itong orange o itong cola"

"Hmmmm itong ano nalang---" di ko na natuloy ang pagsalita dahil nagsalita sya agad

"Itong dalawa nalang, so kuha tayo ng tig sampo para marami tayong stock" nag facepalm nalang ako ayoko nalang magpatalo dito dahil quota na ko ngayong araw at di ko naman sya mapipigilan kaya nanahimik nalang ako

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon