Louis POV
"Yes!!, nakapagpaubos na tayo!!!" Sigaw ng mga kasamahan ko.
Nakakapagod. As in sobra sobrang nakakapagod. Biruin mo dinumog kami ng humigit humulang libong tao sa tent namin na ang kasya lang dapat ay 20-50 na tao.
"Oh pagod?"
Napalingon naman ako sa taong nagsabi non.
"Haaaaay super duper ultra mega pagod, as in sobra!, kala ko magbebenta lang ako nagluto rin kaya ako no habang onti lang yung product natin tas andyan pa yung pumayag kayo na may mag papicture sakin like wtf naman!" Reklamo ko sakanila.
"Wag ka na ngang magalit dyan ahahhaha, look nakapag paubos tayo yehey!, tapos pwede pa tayong makanood sa loob ng arena!" Si caloy.
"Ay oo nga pala nakalimutan ko sila renzo at rose!" Sabi ko.
"Ate beatrice pwede po bang mauna na ko?, manonood pa po kasi ako sa mga kaibigan ko, babalik din po ako pagkatapos ng tournament" pagpapaalam ko.
"Sure louis!, tsaka kaya nanamin to maglilinis nalang naman eh at tapos na"
"Ako rin beatrice mauuna na ako manonood din ako eh" sabi ni kuya kyle.
"Hoy bilisan na natin!" Pagmamadali ko sa kanila.
Agad agad kong hinila ang magkapatid atsaka lumabas ng tent.
"Wait, wait wait lang naman louis!, tinext ko na si kuya benedict kaya mag antay nalang tayo para di na hassle sa pagpasok dyan sa loob May inspection pa kaya" si caloy.
"Kuya benedict?"
"Yung sumundo sakin nung gabing late na ko umuwi. Yung may ability na portal making" sabi ni caloy.
"Ahhhhhh, so asan na sya?, baka matagal pa?. Baka matapos na yung tournament eh" pagdadabog ko.
"Andyan na yon malapit na, mag anta—" di na natapos ni kuya kyle yung sasabihin nya dahil may biglang bumukas na portal sa harapan namin.
"Ano pang inaantay nyo dyan?, pasok na!" Sigaw nung lalaking nasa kabila nung portal.
Dali dali naman akong pumasok at bumungad sakin ang napakaingay na arena mas rumami ito ngayon kumpara kanina at halos dikit dikit na yung tao maliban sa mga VIP's.
Tumingin naman ako sa likuran ko yung kaninang portal ay nagsarado na at nakapasok na rin yung dalawang magkapatid.
"Ah louis pinapatawag na kasi kami ni dad, bale mauuna na kami want to join?" Si kuya benedict.
"Ahhh okay lang po ako, tsaka ayoko ron sa mga Royalties nakakakaba" sagot ko.
"Di yan tara na" hila sakin ni caloy.
"No ayoko talaga may hinahanap din ako tsaka mauna na kayo hinahanap na kayo ng tatay nyo!, pag ako pinapugutan ng ulo mumultuhin ko kayo!" Banta ko sakanila.
"So mauuna na kami?, sure kang ayaw mo talaga?" Sabi ni kuya caloy.
Umiling lang ako bilang tugon sabay talikod sakanila.
Teka tama ba ginawa ko?, parang kabastusan naman ata yon.
Kaya dali dali akong lumingon pabalik.
"Kuya benedict, kuya kyle, caloy!" Tawag ko sakanila.
Nung lumingon sila ay dali dali akong yumuko bilang paggalang. Syempre kahit kaibigan kami kung kaibigan man dapat pa ring galangin yun kasi mga anak sila ng namumuno sa bayan na to.
Pagkatapos kong yumuko tanda ng paggalang ko ay bumalik na ko sa pakay ko which is manood kung ano na ang nangyayari.
Pinilit kong isiksik yung patpatin kong katawan para pumunta sa hagdanan at bumaba para mas makuha ko ang magandang anggulo ng panonood.
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world