Louis POV
Haaayy salamat natapos din yung subject naming summoning though may 30 minutes na binigay si prof tim samin para makapag pahinga di pa rin yon enough para makapagpahinga kami dahil halos isang buong araw bugbog ang katawan ko para lang makasurvive sa lugar ng mga cyclops.
Ngayon nasa cafeteria kami at nagpapahinga, sinasamantala ang binigay na 30 minutes ni prof tim. Kasama ko sila ruby marjorie bella at xander. Si bella ang pangalawa sa natanggal kanina sa activity namin.
"Grabe nakakapagod tong araw na to!" Si marjorie.
"Sinabi mo pa!" Si ruby.
"Anong gusto nyong drinks treat ko" si bella.
"Yes naman first time ah" si ruby
"Ayaw mo ba?" Rebat naman ni bella.
"Syempre gusto, ahmmm lemonade nalang akin!" Si ruby.
"How about you guys?"
"Buko juice nalang akin!" Si xander.
"Ganon nalang din akin" si marjorie.
"Any kind of softdrinks sakin" sabi ko.
"Ok, isang lemonade, dalawang buko juice at isang softdrinks, ano ako lang bibili nito? Samahan nyo ko pera ko na nga yung ginastos ih" si bella.
"Ako nalang sasama sayo" sabi ko.
"Salamat louis tara na!"
Yung buong cafeteria ay parang isang buong food court na maraming stall na pagkain at mayroong maraming table.
Pumila kami ni bella sa isang stall ng mga drinks at pare parehas lang yung mga flavor dito at sa mortal world maliban sa isang drinks na may lumulutang na mata.
Nakaagaw naman ng pansin ko yung stall ng mga ulam at kanin.
"Ahm bella pwede ikaw nalang umorder puntahan nalang kita dito pag natapos ka na bibili lang ako sandali doon" sabi ko
"Oh sure. Mahaba pa naman yung pila" sabi ni bella.
Kaya dumiretso ako sa may stall ng pang launch. Wala namang pila kaya dumiretso ako sa may harapan para tumingin tingin muna ako sa mga lutahe, mukha naman masasarap lahat at parang canteen lang sa mortal world.
"Ahmm ate ano pong tawag dyan?" Turo ko sa may sabaw mukha kasing masarap.
"Ah ayan ba vweh, sinigang na palaka ang tawag dyan" sabi ni ate na isang guhit lang yung kilay.
Eww.
"Eh ano naman po ito?" Turo ko sa may ginataan.
"Ahhh ayan ba, ginataang dagang bukid, best seller namin dito" pagmamayabang nya.
Muntik na kong maduwal.
"Eh ito po?" Turo ko sa may pagkain na di ko mawari ang itsura pero mukhang masarap.
"Yan naman ay ginisang butiki"
Parang babaliktad na yung sikmura ko sa mga narinig ko.
May tumabi naman sakin na isang lalaking maputi at ang cute nyaaa sobraaaa grrrr. Jok.
Kung bago ka lang dito ang isusuggest kong ulam sayo yung isang yon" turo nya sa may parang adobo "spicy adobo yan manok ng turkey ang ginamit" sabi nya.
"A-Ahh e-ehh salamat ah" utal kong sabi.
"Welcome!" Ngiti nya sakin, yung mata nyaa nawala ang singkit nya ta's may dimple pa syaaa kyaaaahhh. Oh malandi!.
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world