Louis POV
"Pst!"
"Louis!"
"Pstt!"
"Hoy louis!"
"Psssst!"
"Hoy gumising ka na!"
Teka sino yon?.
"Ako to si mae!"
"Mae!, anong ginagawa mo rito?" Pabulong kong tanong.
"Itatakas kita!, bilisan mo na't maghanda ka na!" Sabi nito.
"Teka papano?, tsaka ayoko!, pag tumakas ako edi parang ako nga ang gumawa non kila hildred at sheena" sabi ko.
"O sige, tama rin ba na umamin ka sa kasalanang di mo ginawa at ikulong ka sa kasalanang hindi mo naman ginawa?" Sabi ni sheena.
May point sya pero, mas madidiin ako sa kaso nito!.
"Bibigyan kita ng dalawang minuto pag wala pa ring sagot ibigsabihin hindi ka sangayon, ngayon ko lang to magagawa kaya mag isip ka na" sabi nito.
"Tandaan mo, walang tyansang makalabas ka pa rito, at kamatayan ang kaso sa taong pumatay, timer start now!" Dagdag pa nito.
Isip.
Isip, isip!"
Pag nag stay ako rito ibigsabihin hindi ako ang gumawa pero hindi ko pa rin alam kung makakalabas ako rito. Pero pag lumabas ako rito guilty ako sa kasalanang binintang sakin.
Arghhhhhh!.
"20 second" sabi ni mae.
Shit ano ba!!!.
Parehas makakasama sakin ang gagawin kong desisyon. Pero once na pinili kong mag stay rito mas manganganib buhay ko. Kaya...
"3 seconds"
"Sige payag ako!" Sabi ko bilang pag payag.
"Anong plano?" Dagdag ko.
"Ganito!. Isuot mo to!" Sabay bato ng isang jacket na may hoodie na kulay itim.
"Magkakaroon ng kaguluhan sa labas kaya ang mga pulis na nagbabantay rito ay mahahati sa dalawa at binabantayan nila ng mahigpit yung mga taong convicted sa mabigat na kaso. Kailangan sa loob ng 5 minute makalabas na tayo dahil 5 minutes lang tatagal ang kaguluhan sa labas" sabi ni mae.
Teka bat nya nga pala ako tinutulungan?.
Nevermind.
"Kaso lang..... kung makakalabas man ako rito san naman ako tutuloy"
"Pagkalabas natin mamaya may susundo satin ngayon humanda ka na at wala ng tanong!" Pasigaw na sabi ni mae.
Tinignan ni mar yung relo nya sabay tangi sakin.
May pinindot sya sa labas kaya yung parang barrier kanina ay nawala.
Dali dali ko naman sinuot yung hoodie at sinundan si mae. Todo yuko ako sa para di ako mapansin ng mga pulis.
May mga nadaanan kaming mga pulis pero estatwa lang sila at kada may madadaanan kami mas kabado ako, yung puso ko parang lalabas na sa katawan ko sa sobrang kabog nito.
Sa tingin ko nasa 4th floor kami kaya kailangan naming bumababa.
"Masama to!, Louis!. Isuot mo to!" Pasigaw na sabi ni mae sabay bato ng parang Bluetooth earphone pero solo lang sya.
Nanginginig ko pang sinuot yon sa tenga ko.
"May tatlong pulis na papunta rito, ililito ko lang sila"
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world