Louis POV
"Ano bang tanungan yan?" Naiilang kong sagot.
"Ay birhen pala tong si batla, tabi ba kayo matulog kagabi?" Si Vincent.
"Ah eh oo, wala akong choice eh, sabi nya kasi na wala ng ibang matutuluyan, pero promise di ko ginusto yon!, sabi ko pa nga na sa lapag nalang ako matutulog pero wala na raw ivang kumot o sapin manlang" sabi ko.
"Sure ka?, nakita mo na ba yung loob ng drawer nya?"
"Hindi pa"
"Doon kasi nakalagay yung mga kumot, unan at mga pantulog" si jonathan.
"Bwisit na lalaking yon!"
"Atsaka maraming kwarto na available sa taas no" si jeff.
"Hoy kayo r'yan!, kumilos na kayo!, may quota tayo diba?" Sabi ko.
"Pasensya na mayora!" Sigaw ni andi.
Dali dali ko naman na binuhat ang basket ko, at sumunod din sakanila sa mga puno na maraming prutas.
Bale nagkahiwa hiwalay kami.
Kasama ko si andi tapos yung 6 nagkahiwa hiwalay rin.
Ngayon nakaharap kami ni andi sa isang malaking puno ng rambutan.
Marami na ring mga hinog na bunga ito kaya ito ang napili namin para anihan ng mga prutas.
"Louis ihanda mo na yang basket mo dahil magpupulot ka!" Sabi ni andi habang nag iinat ng mga binti.
"Wait anong gagawin mo?"
"Basta. Ihanda mo rin yung mata mo, sa mga magbabagsakang rambutan" sabi nito sabay tingin sa taas.
Ginawa ko namang pantakip ng ulo 'ko ang basket para incase na may mahulog ay di direkta sa ulo ko.
Nung natapos na syang mag inat ng paa ay bigla nya nalang na sinipa ang puno at sa sobrang lakas nito ay ang mga hitik na hitik na bunga ng rambutan ay nagsilaglagan.
Literal na umulan ng rambutan.
Nung napansin ko naman na tumigil na ang pagbagsakan ng mga rambutan ay nagsimula na akong magpulot.
Syempre kasama ko si andi mag pulot.
"Andi ang lakas mo naman" sabi ko.
"Well, yun yung ability ko, meron akong malalakas at matitibay na binti" sabi nito.
"Wow, cool!. Kahit pala ganyan ka, halos babae ka na pero napaka lakas mo" sabi ko sakanya.
"Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o maiinis sa sinabi mo, pero anyways pag usapan naman natin si marcus" pag uumpisa nya nanaman ng topic bout kay marcus.
"Halos kalahating araw pa lang naman kaming magkakilala anong meron don?" Sabi ko.
"Wala lang, kasi naman halos kasing tigas na yon ng bato o kahit binti ko pero feeling ko talaga may something pag nandyan ka" sabi nito.
"Like what?, grabe naman mga chismisan dito"
"Nabalitaan ko rin kasi na pumunta kayo ng kusina kaninang madaling araw"
Pati yon alam nila?.
"At eto pa ang matindi!, nilutuan ka nya" sabi pa ni andi.
"Anong masama sa pagluto?, kahit namna siguro ako pwede ko syang lutuan, pwede ko rin kayong lutuan or pwede rin kayo nyang lutuan"
"Hindi mo naiintindihan louis, diba sya nga leader natin dito, ever since hindi ko pa sya nakitang magluto ng para samin or kahit sakanya"
"And then?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world