Chapter 27 OBSTACLE CURSE!

2.4K 159 9
                                    

Louis POV

nakakapagod na araw. Dami naming napuntahan ni jeric pero sad to say na di nakasama si rose dahil masakit pa rin ang tyan.

Alas 3 na ng hapon na magdesisyon kaming bumalik sa academy.

"Tara louis picture tayo painggit natin kay rose!" Nakahanda na yung phone na pampicture namin.

"Ikaw nalang baka magkapalit pa tayo ng mukha talo ka!" Sabi ko.

"Sige na kasi!" Sabay hila nya sakin papalapit.

Nung magkalapit na kami ay inundayan nya ko ng akbay kaya wala na akong kawala sakanya kaya nakingiti nalang din ako.

"Masaya ka na?" Pabalang kong tanong sakanya.

"Di pa!, isa pa nga!"

"Lul!"

"Andyan na pala si manong!" Turo ni jeric sa papalapit na kotseng lumilipad papunta samin.

Agad agad naman akong sumakay kasunod ko si jeric na ngayon ay wala ng iniindang mga dinadala dahil naubos na lahat ng pagkain dahil syempre sakin. Hihi.

Binuksan ko yung phone ko at gumawi ako sa fb para i check kung ano na nangyayari sa account ko.

Nung na buksan ko na yung fb ay nagulat ako ng sobra dahil ang daming nag add sakin at andami ring notif ko kaya dali dali kong tinignan ang mga nag aadd sakin, puro mg ibang section at iba ibang grade level.

May nag memessage req rin sakin na sobrang dami. Di naman to ganito kaninang umaga tas ngayon biglang sabo!, ano kayang dahilan.

Tiningnan ko yung latest na notif sakin. Yung picture ko pala sa wall ni rose at sobrang daming react non, nangunguna yung heart, care, wow, tas tiningnan ko pa yung iba. Mero pang sad, angry, eww, at piss.

Syete nakakagigil ka rose!!!!!.

"Hoy pa confirm naman ako!" Kalabit sakin ni jeric na katabi ko.

"Later nalang wala ako sa mood!" Sabi ko sakanya na may haling gigil.

"Anong kinalaman ng mood sa pag confirm aber?" Sabi ni jeric.

"Dahil nanggigigil ako kay rose ngayon at ayokong mag open ng facebook ok ka na!" Sabi ko sakanya.

"Ako nalang mag confirm" alok nya sakin.

Pumayag naman ako at ilang sandali lang ay binalik nya rin sakin ang phone ko.

Di ko na rin sya nakausap simula non kaya naging tahimik ang buong byahe.

Ilang minuto lang ay binaba na rin kami sa harap mismo ng academy at marami na ang tao sa gate na pumapasok.

Sabay kaming naglakad papasok ng academy. Halos lahat naman ng atensyon ng tao ay nasa samin.

"Oh my gosh asawa mo girl!"

"Gaga asawa natin!, sino yang kasama nya?"

"Ampangit naman ng kasama nya!"

"Diba sya yun!, yung isa sa mga nilibre ni drake last time?"

"Oh my gosh may baklang malandi na umaaligid sa asawa natin girl"

"Diba kaklase nya rin si baby xander sa summoning?"

"Totoo nga yung bali-balita sinusulot ng baklang yan ang mga asawa natin!"

"Kung ako nyan sasampalin ko yan pag mag isa lang sya!"

Shit bat andaming tao na parang may galit sakin.

Binuksan ko yung phone ko at tinawagan ko si elena.

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon