Chapter 23 FIRST SPIRIT!

2.6K 185 31
                                    

Louis POV

Tuwing sabado at linggo pwedeng lumabas sa opal acdemy pero Linggo ng gabi ang balik dahil kailangan alas dose ng gabi nandoon ka na sa academy dahil i aactivate na ang barrier na pumoprotekta sa academy.

Ngayon ay balak namin lumabas sa opal academy dahil may pinapautos si mama gwen samin na bumili ng mga gagamitin namin sa kwarto at bumili daw ng kahit dalawang spirit ko dahil nalaman ni mama gwen na kailangan ko ng spirit at hindi ako makahindi dahil, utos yon.

Ngayon magkakasama kami nila rose, nica, bea, bella, renzo, marjorie, ruby at elena.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng maisip ko ang tungkol kay taurus balak ko sana na ipaalam kay hm yung balak ko kay taurus.

"Ahmm elena alam mo ba yung office ni HM. Camilla balak ko sana syang kausapin sa isang bagay eh" sabi ko kay elena.

"Ah hindi eh kasi bawal pumunta doon at di ko kaya dahil di ko pa napupuntahan yon pero alam ko yung mismong building" sabi ni elena.

"Pwede ihatid mo ko kakausapin ko lang sana si HM" sabi ko.

"Wow si HM pa ah!" Sabi naman ni marjorie.

Hinawakan ako ni elena kasabay non ang pag teleport namin sa harap ng building kung saan ang office ni HM.

"Paantay nalang ako sa labas ng gate mabilis lang naman to!" Sabi ko.

Tumango lang si elena kasabay non ang pagtaleport nya paalis.

May nagbabantay na dalawang guard sa may building pero may iba namang tao doon aa mismong building. Sana pwede.

"Boy san ka pupunta?!, bawal dito!" Sabi nung guard.

"Kakausapin ko lang sana si HM. Camilla. May sasabihin lang sana ako" sabi ko sa guard.

"Hindi lwede busy ang headmistress at mukhang wala ka namang appointment sakanya kaya alis na wag na matigas ang ulo!"

"Importante po ito!" Sabi ko. Nagpumilit pa ako pero di nya talaga ako pinapasok.

"Hindi nga pwede!" Sabi ng guard sakin.

"Sige na po saglit na saglit lang naman ako don eh" sabi ko.

"Hindi nga puwe-" naputol yung sinabi nya dahil biglang dumating sa likod nya si xander.

"Papasukin nyo na po yan dahil may mahalagang sasabihin yan kay mama, i mean headmistress" sabi ni xander.

Wow mag ina sila ng headmistress. Pero parang di naman halata.

"Pwede ka ng pumasok" sabi ng guard kaya agad agad akong pumasok.

Inakbayan ko agad si xander baka kasi magbago pa isip nung guard mahirap na.

"Oy totoo ba mama mo ang headmistress ng school na to?!" Sabi ko kay xander.

:A-Ahh e-eh satin satin lang yon ah. Nga pala ano palang sadya mo kay mama?"

"Kakausain ko sana kung pwede kong palabasin si taurus bilang isang spirit. Kaya nya rin namang mag animal beast form kaya di sya mahahalata" paliwanag ko.

"Ah ganon ba. Oh andyan sya sa loob" kumatok si xander sabay bukas ng pinto.

"Anong sadya mo anak?" Sabi ng headmistress.

"Hindi ako, sya" turo nya sakin.

"A-Ahh.. E-Ehhh hi po!" Bati ko.

"Anong sadya mo louis?" Diretsong tanong sakin ni HM.

"T-Tungkol p-po sa, k-kay t-taurus" utal utal kong sabi.

Bigla naman syang tumayo mula sa pagkakaupo nya.

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon