Louis POV
"So sa bicol na kayo tumira pagkatapos non?"
"Oo. Pero laging may pumupunta sa bahay namin para iligpit kami ni mama, kaya nagpasya si mama na ipadala ako rito at papasukin ako sa opal academy dahil magiging safe ako rito"
"Yung pagliligpit sainyo, utos ba yon ng hari?" Tanong ko.
"Hindi, utos yon ng ibang asawa ng hari!" Sagot ni renzo.
"HaAa!, bakit naman?" Tanong ko.
"Para walang kaagaw sa trono ang crown prince at mas may similarity ang kapangyarihan namin ng hari kaysa sa ibang nga anak nito"
"So yelo ang kapangyarihan ng papa mo?"
"Oo pero hindi lang yon, double ability holder ang hari, yelo at apoy"
"Yung apelyidong alfonso sa mama mo yon diba?"
"Oo, hindi ko ginamit yung apelyidong verano dahil ayaw ni mama na gamitin ko yon" sabi ni renzo.
"So anong balak mo ngayon?" Tanong ko.
"What do you mean?"
"You know, magpapakilala ka ba sa papa mo?, kapatid mo?" Tanong ko.
"Never!. Gusto ko lang ng tahimik na buhay at gusto kong nakapag tapos dito para maprotektahan ko si mama"
"Desisyon mo yan, pero satingin ko may galit ka sa tatay mo dahil sa ginawa nya sainyo, tama ba ko?"
"Syempre, ilang beses nang napagtangkaan ang buhay namin sa mortal world dahil sa desisyon nya!" Pagalit na sabi nya.
"Sabagay!" Pasigaw na sabi ko. Minsan talaga baliw baliw rin ako hehe.
Sa kalagitnaan ng pg uusap namin ay bigla nalang may nag ring na cellphone.
"Oh kanina pa yan ah!, di mo pa ba sasagutin?" Tanong ko kay renzo.
"Anong sakin?, baka sayo!, eto phone ko oh" turo nya sa cellphone nya na nasa kama nya.
"Ay oo nga pala dala ko pala cellphone ko. Sandali lang ah sagutin ko lang to!" Padabog kong sabi.
Tango lang ang sinagot nito.
"Hello?"
"Louis!, ilang drum na ba yung nalabas mo at napaka tagal mo!" Pasigaw na sabi ni rose sa kabilang linya.
"Ay oo nga pala di ako nakapag paalam sayo!. Nandito ako sa dorm ni renzo, may pinaguusapan lang!" Pasigaw kong saad kay rose.
"Ahhhh, ANOO!! BAT KA NANDYAN, TEKA TEKA ANONG NANGYAYARI!, KAYA PALA ANG TAGAL MONG SAGUTIN! LAGOT AKO NITO KAY MOMMY!!!" Aligagang saad ni rose.
"Hoy hoy babae!, may pinaguusapan lang kaming mahalagang bagay!, kwento ko later"
"O sige sige!, mauuna na ko sa kwarto ko ah!"
"Oo wag mo na ko antayin, oh sya bye bye na at papunta na rin ako dyan!" Pag papaalam ko kaya binaba ko na ang tawag.
"Renzo thankyou sa chocolate sana malampasan mo rin yang problema mo, oh sya babalik na ko sa kwarto ko dahil baka maabutan pa ko rito ng curfew" pagpapaalam ko kay renzo.
Unti unti naman itong tumayo at lumapit saakin.
Hinawakan nya ng dahan dahan ang kamay ko.
"Ako nga dapat ang mag thankyou sayo dahil may nakwentuhan ako at medyo lumuwag luwag din sa pakiramdam"
"Ahh oo, wala yon oh sya lalabas na ko!" Sabi ko sakanya.
"Ah teka lang louis"
"May kailangan ka pa?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world