Chapter 8

2.9K 191 0
                                    

Louis POV

Pauwi na kami ngayon kakatapos lang namin mamili ng mga gamit sa kwarto ko kaya ngayon hirap na hirap kami magdala ng mga gamit dahil sa sobrang bigat, ngayon nag aantay kami sa harap ng mall dahil kinuha ni jeric ang sasakyan.
Di na kami sumunod sakanya dahil halos di na kami makalakad sa sobrang bigat so napagdesisyonan namin na mag antay nalang sa harap ng mall

"Sobra sobrang hagard na ko antagal naman ni jeric kukuha lang naman ng van" reklamo ni  rose na ngayon ay namumuo na ang butil ng pawis sakanyang mukha

"Hayy nakooo ayan na sya oh, wag ka na magreamo dyan" sabi ko

Huminto na sa harapan namin ang van ni jeric

"Jeric nakakairita ka ang tagal mo sobra tingnan mo ang hagard na hagard tong mukha ko, pag ako nagkapimples yari ka sakin" bulyaw ni rose

"Kumalma ka nga rose ang sakit sakit mo sa tenga at manahimik ka" sabi ko naman sakanya

Pumasok na kami sa may van at pinaandar na ni jeric ang sasakyan pauwi

¤habang nasa byahe¤

"Bullshit sobrang traffic naman" mura ni jeric na ngayon badtrip na badtrip na dahil sa usad pagong na byahe namin

"Myghaaad lagot na ko nito kay mommy" si rose

"Akala mo ba ikaw lang ako rin no" sabat naman ni jeric

"May naisip ako, dun nalang tayo jeric dumaan sa may shortcut para mapabilis"

"Oo nga no nag iisip ka pa rim pala akala ko puro ka lang reklamo dyan" asar ni jeric

"Mang asar ka pa dyan at kakain ka ngayon ng lupa" banta naman ni rose

"Tumigil na nga kayong dalawa dyan" saway ko sakanila

Biglang umusad naman ang sasakyan at lumiko si jeric sa may eskinita dinala kami nito s may madilim na daanan at puro puno

"Bat ang dilim naman dito tama pa ba tonh dinadaanan natin?" Tanong ko kay jeric

"Hayy nakoo alam ni jeric yan wag ka mag alala" sabi naman ni rose

Patuloy lang sa pag mamaneho si jeric ng bigla iyong nag mura

"Bullshit!"

"Anong meron bakit, sino yang mga yan" tanong ko dito, meron kasing tatlong naka pulang cloak na nasa kalsada

"Di ko rin alam pero masama ang feeling ko dito" si jeric

"Oh my gooosh louis naalala mo yung nasa mall tayo nung nakaraan yung pumunta tayong arcade naalala mo ba?"

"Oo naman" sagot ko sakanya

"Naalala mo yung pumikit ako tas biglang sumakit ang ulo ko?" Si rose

"Oo ano bang meron?" Tanong ko kay rose

"Yung time na yon ginamit ko ang isa sa mga attribute ko bilang isang earth elementor yun ay earth tracking pero binlock ng nasa gitna ang kapangyarihan ko kaya sumakit ang ulo ko that time, feeling ko yung isa sa kanan ay kapangyarihan nya ay paper manipulator pero yung isa di ko alam" mahabang sabi ni rose

"Mukhang mapapalaban tayo ngayon ah" si jeric

"Anong mapapalaban, teka naguguluhan pa rin ako ano bang meron?"  Tanong ko sakanila

"Nakwento sakin ni mommy na may mga taong  may ability na pumapatay sa kapwa nila ability holder sa di pa malaman na dahilan" sabi ni rose

"rose tawagan mo na kaya si mama gwen baka kung anong mangyari pa satin" sabi ko kay rose

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon