Louis POV
"Hmmm pano ko ba sasabibin hmmmm? May powers din ako katulad nang nakapulang sinasabi mo" sabi nito na ikinalaki ko ng mata
Seryoso ba sya, pano nangyari yon
"Seryoso ka ba dyan rose, wag mo nga ko i prank di na april no"sabi ko dito, kaya huminto sya sa pagkain
"Sabi ko na nga ba ganyan sasabihin mo, anyways tara punta tayo sa may garden may papakita ako sayo" sabay hila sa aking kamay
Nandito kami ngayon sa garden at nakakamangha dahil ang daming mga sari't saring bulaklak at halaman dito na mahahalatang laging inaalagaan
"Diba hindi ka naniniwala na may kapangyarihan ako, ngayon tumayo ka lang dyan!" Utos nito sakin
Itinapat ni rose ang kamay nya sa kinatatayuan ko at biglang umangat ang lupa na kinatatayuan ko kaya nagulat ako at biglang nag panic kaya nahulog ako pero hindi ko inaasahan ang nangyari nang biglang may humawak saakin na isang higanteng kamay na gawa sa lupa at unti unti ako nitong binababa
"Rose, wow ang galing mo! Pano mo nagawa yon!" Mangha kong sabi kay rose
"Isa palang yon sa mga kaya kong gawin no!," mayabang na sabi ni rose
"WOOOOOOW!!!, teka kung yung lalaki na nakakulay pulang cloak kapangyarihan non ay paper manipulation ano naman yung sayo?" Tanong ko dito
"Di pa ba halata isa ako sa may hawak ng 4 major elements, isa akong earth manipulator, kaya kong gawin lahat basta related sa lupa mapa opensa o depensa" taas noong sabi nito
"Nakakainggit ka naman rose! So kung isa kang earth manipulator ibig sabihin merong water, air, at fire manipulator?" Tanong ko ulit dito
"Oo hindi lang yon meron pang kayang mag kontrol ng kidlat, yelo halaman at iba pa
Meron ding taong may ability katulad ng kayang basahin utak mo kayang pagalingin ang sugat mo meron ding kayang gumawa ng replika mo may kaya ding gumawa ng ilusyon at marami pang iba"Wow! Totoo pala talaga yung mga ganon mga yung magic nakaka amaze
Nacurious tuloy ako sa sinabi nya nung libra"A-ahhh rose bat nga pala sa panaginip ko tinatawag ako ni libra na master ano naman ibig sabihin non?" Tanong ko kay rose
"Hindi ko sya masyadong alam na kwento lang sakin ni daddy at mommy na may kaklase daw sila dati na isang summoner ang gamit nya pag tawag sa mga spirit nya ay susi" sabi nito "siguro isa ka ring summoner dahil nakapaglabas ka ng isang spirit" wow ako summoner pero papano?
Tara na ngaaa louis nagugutom na ko bilis na
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~Fast forward~~~
"Dito ang magiging kwarto mo" pinihit ni rose ang doorknob at bumungad samin ang isang kwarto na napakalaki
"Rose ang laki naman nito, halos dalawang kwarto na to ah"
"Hayy nakoo eto na nga lang yung pinaka maliit na kwarto dito sa bahay, ayoko namang dun ka sa kwarto ni mang ambo baka patayin ako ni mama at papa, pag nagkataon di lang ako yari pati na rin ikaw kaya sa ayaw mo o gusto mo dito na ang kwarto mo okay" sabay tapik sa balikat ko
"Rose salamat talaga ah, bayaan tutulong nalang ako kay mang ambo tumulong sa gawaing bahay" sabi ko dito nakakahiya naman kasi kung di ako tutulong dito
"Yan ang wag na wag mong gagawin, alam mo ba kung bakit wala kaming mga yaya dito?"
"B-bakit?" Utal kong tanong dito
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world