Louis POV
"Okay lang ba kayo?, di ba kayo nasaktan!" Alalang tanong ko kila ruby at xander.
Napansin ko yung health bar nila ay 29% si ruby samantalang si xander naman ay 28% at marami silang gasgas sa ibat ibang parte ng katawan.
"Ayos lang kami louis. Salamat ah, by the way ang cool naman ng guardian mo!"
Sabi ni ruby."Ah.. eh... ahahah"
"Master, wala na akong maamoy na tao sa paligid ibig sabihin kayong apat nalang ang natira" sabi ni leo sa isip ko
"A-Ahmm guys, ahh.. eh.. s-siguro t-tayo nalang ang natira dito dahil wala na raw maamoy si leo ahmm.... lea na kaklase natin sa paligid" sabi ko
"Ang sabi ni prof tim ay 6 minutes lang daw tayo kailangan makasurvive sa lugar na to pero mag aanim na oras na tayo dito!" Sabi ni marjorie
Nakapalibot kaming apat ngayon sa may
Ginawa naming bonfire at nagmamasid-masid baka mayroon nanamang cyclops sa paligid."Ahmmm.... xander may nabasa akong libro about sa wendigo. Ang wendigo daw ay nocturnal mas aktibo sila sa gabi mas lumalakas din daw ang reflexes at pang amoy nila. naglalabas din daw sila ng energy ball mula sa bibig nila gamit ang bunganga nila pero nagagawa lang nila yon sa gabi" mahabang sabi ko
"Ano bang pinupunto mo?" Matamlay na sabi ni xander.
"A-Ahmmm k-kasi, yung guardian m-mo, ahm-"
"ANO BANG GUSTO MONG SABIHIN!?" Malakas na sabi nito
Nagulat naman ako sa biglang pagtaas ng boses nito. Samantalang si ruby at marjorie kapwa nagulat sa pasigaw na sabi ni xander.
"A-Ahhh k-kasi ahmm p-pano b-" di ko na natuloy ang pagsabi ko dahil nagsalita agad si marjorie
"Obvious naman na gusto ni louis na ilabas mo si will para magmatyag sa lugar na to para makasiguro tayong safe" prangkang sabi ni marjorie.
"Yun lang naman pala eh!. Will!" Tawag ni xander sa guardian nya.
Bumukas ang portal at ilinuwa non si will. matangkad si will at may matutulis na ngipin.
"Will pwede bang magmasid masid ka sa paligid,at mag report ka sakin kung may mga cyclops na malapit sa kinaroronan natin ngayon para mapaghandaan natin kung atakihin man tayo" sabi nya kay will
Tumango muna si will bago umalis. Di ko muna pinapabalik si leo dahil iba kasi ang exit part nya at baka magtaka ang dalawang sila ruby at marjorie kung bakit ganon ang exit ni leo eh halos lahat ang exit nila ay maglalaho nalang bigla sila samantalang si leo naman may kidlat na tatama sakaniya bago pumunta sa realm nila.
"Nakakapagtaka lang ah, anim na oras lagpas na tayo dito pero di pa rin ako nagugutom, usually kasi 3-4 hours lang kailangan ko ng kumain pero ngayon iba parang wala akong nararamdaman sa katawan kong gutom instead busog pa ko at nararamdaman ko pa yung mamon sa lalamunan ko, weird!" Sabi ni marjorie
Ang weird.
Lumipas pa ang ilang oras at hindi pa bumabalik si will pero satingin ko naman ay ok lang sya kasi may komunikasyon pa rin naman kasi sila ni xander, ganon kasi ang isa sa mga advantage ng may guardian ka makakausap mo sila kahit nasa malayo sila sayo.
"Nagiging weird na talaga ang pakiramdam ko, ako lang ba o kayo rin. Arghhhhh di rin ako inaantok ang lalim na sobra ng gabi at eto ako ngayon dilat na dila ang mataaa ARGGHHHHHH!!!!" Sabi nanaman ni marjorie.
"Ako rin no!" Sabi naman ni ruby
Nagkatinginan lang kaming apat.
Nagpasya ako na sumandal sa balikat ni ruby para makapagpahinga subukang umidlip. Pero ilang beses kong sinubukan hindi pa rin talaga ako maantok antok.
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world