Chapter 51 Cancer

1.8K 121 11
                                    

Louis POV

Ilang linggo na rin simula nung nakapasok ako rito at so far nakakalimutan ko na rin sila rose medyo galit nalang natirira sakin.

Yung pitong magaganda kong kaibigan?, ayun napaka witty pa rin nila atsaka ang saya saya nila kasama.

Ilang linggo ko na rin palang di nakikita si tito, siguro busy yon.

Si marcus naman. Napaka kulit at napaka papansin pero ang cute lang.

Gusto ko sana mag palipat ng kwarto at maging kakwarto ko si shane dahil anumang oras baka di na ko makapagpigil haha.

Di ko alam kung normal lang yung ginagawa nya pero may time kasi na grabeng nakakaakit sya, lalo na pag naliligo sya.

Tapos di ko na rin nasusunod yung linya linya pag natutulog dahil magugulat nalang ako dahil nakayakap na ko sakanya.

Minsan din nakikita ko nalang yung sarili ko na pinagpapantasyahan sya.

Pero buti nalang kaya ko pang pigilan sarili ko.

Ngayon ay araw ng linggo at nag volunteer ako kasama ang pito na magwalis sa 3rd floor.

Dito kita mo nang malawak ang labas ng bahay.

Yung pito harutan ng harutan at ang saya lang nila kasama dahil nga palagay yung loob mo.

"Hoy ayusin nyo naman yung bawat gilid!, puro kayo harutan d'yan" sita ni andi.

"Opo mother earth" pabalang na sabi ni shane.

"Abay sasagot pa eh" taas kilay na sabi ni andi.

Nagtawanan lang yung iba dahil kahit ako hindi ko gugustuhing awayin si andi dahil isang pitik nya lang sakin siguro kalas na ko.

"Wait!, shhhh" sigaw ni jeff.

Kami lang kasi yung nandito sa 3rd floor dahil lahat ng tao nasa baba ginagawa yung kanya kanyang trabaho.

"Anong meron?" Pabulong na tanong ko.

"Shhhhhhh!" Nilakihan lang ako ng mata ni jeff.

Umikot ikot pa sya sa paligid.

"May naririnig na chismis kasi yan" bulong ni andi sakin.

"Look!" Sigaw ni jeff sabay sabay kaming dumungaw sa labas na kung saan kita sila marcus, mae at troy na hinaharap yung isang lalaki na halos katangkad lang ni marcus.

"Oh no!, masama 'to!" Si shane.

"Bakit anong meron?" Tanong ko.

"Nakikita mo ba yung lalaking singkit yung mata?, yung gwapo?" Turo ni jp do'n sa lalaking tinutukoy ko.

"Yeah!"

"So here's the tea, Bryan name non!, galing yan sa mayamang pamilya kaya medyo hambog at madalas naghahanap ng away"si shane

"At madalas syang nanggugulo rito at dahil si marcus ang leader/peacemaker natin dito sya lagi ang nakakaaway nya. One time di na nakapagpigil si marcus at nabugbog nya ng malala itong si bryan kaya nagpunta yung tatay nya rito at sinabing once na saktan ulit ni marcus si bryan ay papalayasin sya rito" si vincent.

"Pero matagal na yon mga 1 year na ang nakakaraan" si jp.

"Ba't naman kailangan kunsintihin yung anak na ganyan!" Sabi ko.

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon