Louis POV
Ang init ng mga labi nya.
Yung hawak ng kamay nya sakin sobrang higpit.
Tapos yung isang kamay nya nasa likod ko.
Di ko alam kung smack ba ito or ano pero ang tagal kasi o ganto lang talaga yung titigil yung mundo mo.
Nakapikit lang sya habang ako dilat. Ning una nagulat ako pero pinabayaan ko na rin kalaunan.
Ilang segundo rin kaming ganon hanggang sa nakita ko syang dumilat kaya tinulak ko sya.
Walang salita salitang lumabas sa bibig ko. Kinuha ko yung mga nagkalat na damit ko at sinilid ko sa basket.
"So-Sorry, Hi-Hindi ko sinasadya n-na n-nadala lang ako" utal utal nito.
Napadako ang paningin ko sakanya at yung mga mata nito ay parang nagmamakaawa.
Nagmamakaawa na hindi na ako umalis sa kwarto.
Di ko nalang sya pinansin at lumabas nalang ng kwarto.
Gulong gulo isip ko non, ewan ko kung bakit ko dya inisip yung lalaking yon!.
Nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon yung labi nya sa labi ko.
Yung init.
Yung pakiramdam.
Bakit iniisip ko na hindi ko yon ginusto pero sasagi sa isip ko yung pakiramdam na nangyari.
Parang gusto ko rin. Hindi gusto ko talaga. Gustong gusto.
Ganon pala yung feeling na ma kiss .
First kiss ko yon at kay marcus pa.
Sinabinko pa naman din sa sarili ko na kung sino ang first kiss ko sya na yung mamahalin ko.
Hanggang sa di ko na namalayan na nasa harap na pala ako ng kwarto namin ni bryan.
Binaba ko yung basket na dala ko at binuksan ko yung pinto.
Nagluluto pala si bryan sa kusina.
Nilagay ko yung mga damit ko sa cabinet nya.
Di nya pa alam na nakapasok na ko at maganda yon dahil walang kukulit sakin.
Iniisip isip ko pa rin yung halik ni marcus hanggang sa na realize ko na parang sobra na yon.
Kailangan kong gumawa ng bagay para di ko maisip si marcus.
Buti nalang at nakakita ako ng ballpen at papel.
Inabot ako ng ilang minuto sa pagsusulat at inabot din si bryan ng ilang minuto para malaman nyang nandito na'ko.
"Kakagulat ka!, huuuu!. Halos atakihin na ko sa puso!" Sabi nito habang nakasandal sa pader.
Ako nakatingin lang sakanya habang nangangapa sa sinusulat ko.
"Teka, sino ka dyan?, parang may iba sayo?, parang may iba sa aura mo or something. Blooming ka ah!, anyare?" Chismoso nitong sabi.
"HA!, hindi ah!, may sira ka na sa mata siguro!" Malalakas na sigaw ko.
"Chill, ba't ka sumisigaw?, isipin ko nalang na may nangyari nung pumunta ka sa kwarto nyo DATI ni marcus" sabi nito habang ang dalawang kilay nito ay nagtataas baba.
50/50 rin 'to kung makahula eh, minsan tama minsan maling mali!. At nakakairita ang mga bawat hula nito sakin.
"Tantanan mo ko!, hindi mo manlang ba tatanungin kung anong sinusulat ko?" Pagiiba ko ng topic.
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world