Renzo's POV
Oh shit anong gagawin ko!.
Ngayon nagkakawatak watak na kaming lahat! Bwisit.
Shit nagpapanic na ko, napapangunahan na ko ng takot bwisit naman!!!.
Sa ngayon di ko pa natatanaw yung lupa pero alam kong minuto lang ang bibilangin bago kami lumagapak doon.
Shit!. Isip, mag isip ka renzo.
Kung si louis ang nandirito sa sitwasyon ko naka isip na agad yon ng plano.
Bwisit naman!, arghhhhg!!.
Kung si louis ang nandirito ngayon ano ba ang magagawa nyang plano?. Teka tama!.
"JR!!, abutin mo ang mga kagrupo natin at gawin mo yung sarili mong parachute!" Sigaw ko kay jr.
"Hanggang apat lang ang kaya kong iligtas!, kayo na bahala sa dalawa!" Sigaw nito sakin.
Pinahaba ni jr yung kamay nya at isa isang inabot yung apat naming ka grupo. Inexpand nya yung kayawan nya at nag porma nga itonh isang malawak na para chute pero alam kong nahihirapan sya sa sitwasyon namin ngayon.
Tsk!, bwisit!.
Gagamitin ko na ba ngayon?, kaso masyadong mabigat yung dalawa kaya parang walang silbi rin dahil mabilis mauubos lakas ko.
Mabigat?. TamaaAa!!.
"Sheena!!. Subukan mong abutin kamay ko! Bilisan mo!" Utos ko kay sheena.
"Wag mo kong utusan ako leader dito!" Sigaw pabalik ni sheena.
Sinunod naman ni sheena yung sinabi ko. Hinawakan nya ang kamay ko.
"Oh anong sunod?" Maarteng sabi nya.
"Subukan nating abutin yung isa nating ka grupo!" Sabi ko.
Bigla naman kaming bumulusok pababa dahil siguro sa kapangyarihan ni sheena kaya ganito. Nahawakan ko na yung kamay ng isa naming ka grupo kaya wala na kong masyadong iisipin.
"Ano naman pong sunod na gagawin natin?" Malumanay na sabi nung ka grupo namin.
"Humawak lang kayo sakin, sheena pagaanin mo yung katawan nyo kahit di na ko kasama"
"Ano bang plano mo?!" Pataray na sabi ni sheena.
"Basta gawin mo nalang daming satsat" sabi ko.
Naramdaman ko naman na gumaan sila sheena.
Shit pangalawang beses ko pa lang to nagagawa sana magtagumpay at di pumalpak.
"Ice wings!" Malakas na sigaw ko.
Imbes na dalawa ay isa lang ang tumubo sa likod ko. Shit sabi ko na nga ba eh!.
"AHAHAHAHAHHAHA AYAN NA BA YON?, AHAHAHAH PARANG DI NAMAN TAYO MALILIGTAS NYAN" sabi ni sheena.
"Tumahimik ka nga dyan!, ang ingay ingay mo kaya di ako makapag concentrate" pasigaw kong sabi.
Sandaling katahimikan ang namayani samin kaya sinubukan ko na ulit gawin.
Kaya mo yan renzo!. Breath in, breath out!.
"Ice Wings!" Malakas kong sigaw kasabay non ang pag tubo ng pakpak sa aking likuran.
May kalakihan ito sa inaasahan ko at masasabi kong maganda ang disenyo nito dahil kumikinang kinang ito.
"Kumapit na kayo ng mahigpit sakin" saad ko.
"Ambagal mo naman gawin yan!" Reklamo ni sheena.
"Ay ganda po ng pakpak nyo" sabi nung babaeng ka grupo namin.
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world