Chapter 21

2.8K 174 8
                                    

Louis POV

Mabils na sumapit ang mga araw at medyo nagagamay nanamin ang mga pagpapahirap samin ng mga professor namin. Sa body strengthen namin kailangan nanaming umikot ng 35 na ikot sa buong field sa loob ng isang oras.

Sa may spell subject naman namin ay minsan lang pumasok si professor ava serrano dahil di naman daw masyadong kailangan namin ang spell subject dahil mas kailangan daw yon ng mga nag aaral sa wizardry tinuturuan nya lang kami ng ibat ibang basic spell katulad ng pagpapagaling ng minor injury.

Sa may potioneer naman, ayon masungit pa rin pero ngayon alam nanamin ang ugali nya, may pinapagawa na rin saming ibat ibat potion katulad ng pampapayat o pampawala ng pimples at nagamit ko yon medyo effective naman dahil medyo nawala yung pimple ko sa forehead.

Sa may summoning subject naman ayon medyo kaya na ng iba kong kaklase ang mag labas ng spirit. Syempre ako di ko kailangan yan dahil guardian ko naman ang mga spirit ko, at syempre si leo lang ang pwede kong palabasin dahil kabilin bilinan ni HM.

Sa may history naman, sa isang linggo kong pananatili dito ay nakwento nya na rin yung buong history ng school kasi madalas pa ring nakakatulog si prof. Espinosa.

Sa dss(duel,strategist and swordmanship) subject naman ay masasabi kong nakakapagod pa rin ng grabe dahil di ko pa gamay yung espada na ginagamit ko dahil sobrang bigat. Buti nga medyo okay okay na ko sa hand to hand combat ih.

inofferan naman ako ni HM. Na kung gusto ko ba daw na doon nalang ako sa special class kaso tumanggi ako dahil medyo close na kami ng mga classmates namin at lalong lalo na sila bella, nica at renzo. Dati kasi di pa masyado dahil kinakapa kapa pa namin ang isat isa ngayon magkakaibigan na kami at ngayon lumalabas na yung clingy side ni renzo dati kasi masyado syang cold, ang cute nya pag makulit sya hihi.

At napakiusapan ko si leo na dumiretso na sya sa animal beast form nya pag tinatawag ko sya para di na nila makita ang totoong spirit form ni leo at wala na ring pa kidlat kidlat chuchu na entrance at exit part ni leo.

Ngayon ay friday at nasa jade gymnasium na kami ngayon para sa last subject namin ngayong araw at ngayong linggo. Ambilis ng oras parang nung nakaraang linggo lang ay first day namin ni rose dito sa opal academy.

"Good morning emerald 1C!" Bati samin ni prof anton na as usual cute pa rin hihi.

"Goodmorning prof!" Bati namin in unison.

"Ngayon ay friday so may mag duduel na limang magkakapares, pag tinawag ko ang pangalan ay pumunta bumaba na sa field para sa duel natin ngayon" sabi ni prof.

Yung gymnasium kasi parang katulad sa room namin sa summoning ang pinagkaiba lang di sya time machine.

May pinaikot si prof ng isang bagay tapos kinuha nya yung papel at binasa ang nakasulat. Ganon sya pumili ng mag duduel ngayong araw.

"Castro, ang makakapartner mo sa duel na ito ay si ponce" sabi ni prof

Nagulat naman ako dahil na tawag ako.

"Ngayon ang makakalaban nyo ay sina velasco at aguilar" sabay naman kaming bumabang apat sa field.

Nung nakababa na kami sa field ay nagsalita naman si prof anton gamit ang mike.

"Louis at ponce kayo ang mga hero. Kayo naman velasco at aguilar ang villain. Ang kailangan nyong dalawang hero na  gawin ay protektahan ang mga exit line dapat di sila makakalagpas dyan dahil talo na kayo, kayo namang mga villain bibigyan ko lang kayo ng 5 minutes dapat makapunta na kayo sa exit kahit isa lang sainyo!"

Shit mahirap to malakas ang ability nila velasco na isang puppeteer at aguilar na weaponized body.

"Gawin nyo lahat ng kaya nyong gawin para lang matalo ang kalaban nyo. At ang magiging setyings nyo ay...." sabay paikot ng roleta ba yon

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon