Louis POV
"Eto ang training zone namin, dito kami sinasanay para palakasin ang katawan at kapangyarihan namin, hindi mo natatanong di lang ako basta vampire isa rin akong summoner" si layla.
"Summoner?, at vampire?. Ang cool mo naman!, ako nga summoner lang eh" sabi ko.
"Atlis malakas, nag top 2 ka nga sa magic fest eh"
"Hala pano mo nalaman?" Tanong ko.
"Kinwento samin ni mae, sabi pa nga nya na napatay mo yung halimaw"
"Ahhhhh swerte lang" sabi ko.
"Andito ka lang pala!" Sigaw nung lalaking nasa likod ko, haharap pa sana ako pero nalagay nya na ko sa pagitan ng mga bisig nito.
"Wait!, di ako makahinga!!!, MARCUS!. Papatayin kita" banta ko sakanya.
Agad agad nya namang niluwagan hanggang sa makatakas ako at isang malakas na suntok sa tyan ang inabot nya sakin.
"Wala yan, matigas masyado yan. May alam pa kong mas matigas" ngising sabi nito.
"Ulol!, ano bang ginagawa mo rito!. Bakit mo rin ako hinahanap?" Tanong ko.
Kapansin pansin naman na walang imik si layla sa kinatatayuan nya.
"Ano.... ahmmmm tara kain tayo" yaya nito sakin.
"Tapos na ko kumain, niyaya kita kanina sabi mo inaantok ka"
"Edi samahan mo nalang ako"
"Ayoko, tinotour ako ni layla dito eh, diba layla" sabi ko sabay ikot pero wala na kong laylang nakita.
"Layla?"
"Wala na yon, sumama ka na sakin" sabay hila nito sakin.
"Wag mo kong hawakan!. Tara na"
Aakbayan nya sana ako pero inalis ko yung kamay nya, ambigat eh.
Nasa kusina kami ulit at kumakain na si marcus ng sandwich na katulad sakin.
"Ayaw mo ba talagang kumain?" Tanong nito.
"Nope, busog ako. Kumain din ako ng sandwich kanina" sabi ko.
"Ahhhh, subuan kita?. Bilis na" sabi nito.
"Alam mo, kung mayroon pa kong kaibigan dito paniguradong don ako sasama. Para tayong mag jowa sa asta mo eh"
"Ayaw mo ba?"
"Ayaw talaga" sabi ko.
"Parang diring diri ka naman sakin!, hoy daming nagkakagusto sakin no!"
"Firstime?" Mahangin kong sabi.
Tinarayan nya naman ako, ampangit nya magtaray halatang kulang ng buwan nung pinagbubuntis sya.
"Samahan mo ko mamaya"
"Saan naman?"
"Bibiling damit mo, para di ka na manghiram sakin" sabi nito.
"Grabe ka naman parang sa tono ng pagsabi mo parang pabigat nalang ako sayo ah" sabi ko sakanya.
"Pangit mo magdrama!. Ayaw mo pa?, bibilhan na nga kita ng sarili mong damit" natatawang sabi nito.
"Ang problema kasi...."
"Ano?"
"Wala akong pera!, alam mo naman na galing akong kulungan tapos wala pa kong trabaho kaya papano ako makakabili ng damit?" Malungkot na sabi ko.
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world