Louis POV
Napaatras ng bahagya si bryan at sinamantala nya ito na mag merge sila ng guardian nya at nagpalabas din sya ng spirit nya.
Unang umatake ang spirit nya may marcus at sinusubukang sugatan o patayin si marcus nito pero magaling si marcus dahil mabilis syang nakakailag sa mga atake nito.
Ngayon nahihirapan na si marcus na sanggain ang lahat ng atake na nilalabas ni bryan at ng spirit nito.
At bago pa masira ang buong kwarto at lalong lalo na ang buong bahay ay kailangan ko ng gumawa ng aksyon.
Nakipag merge ako kay aries sabay ginamit ko ang mga sinulid nya para pahintuin ang tatlo.
Kakawala pa sana si marcus buti nalang ginamit ko ang kapangyarihan ni aries at gamit ang mga sinulid ay doon ko pinadaloy ang kuryente para ma paralisa muna sila pansamantala.
Nagtagumpay naman ako dahil hindi na sila gumagalaw pero napagtanto ko lang na kahit nasa anyo ako ng merging ay nararamdaman ko pa rin yung sakit ng pang upo ko.
"Marcus!, umalis ka na!. Wala na tayong dapat pag usapan" sigaw ko.
"Umalis ka na!, dahil baka ano pa ang magawa ko sayo!" Banta ni bryan.
"Try me!" Si marcus.
"MARCUS UMALIS KA NALANG PLEASE!" Sigaw ko.
Tinanggal ko naman lahat ng sinulid sa paligid at pinabalik ko na rin si aries.
Mabuti naman at umalis din si marcus.
Kahit masakit ay pinuntahan ko naman agad si bryan dahil alam ko kahit na naglabas sya ng spirit ay dehado sya dahil marami syang natamong suntok kay marcus.
"Okay ka lang ba?, tara nga!. Bakit mo pa kasi pinatulan!" Sermon ko.
Pinaupo ko naman sya sa kama at kumuha ng mga icetube sa ref.
Kumuha naman ako ng malinis na damit at doon ko binalot ang mga yelo para ipahid sa mukha na may pasang parte sa mukha ni bryan.
"Thanks huh. tsk!, kung hindi ko lang iniingatan tong kwarto na 'to baka nabugbog ko yong kupal na yon!"
Diniinan ko naman yung yelo sa pasa sa mukha nya dahil nagiging mahangin nanaman sya.
"Wag ka na magsalita d'yan kung ayaw mong masaktan pa lalo!" Sabi ko habang dinidiinan ko ang ice tube sa mukha nito.
"Aray naman louis!, alam mo kung hindi dahil sayo wala tong mga pasang 'to!" Sisi nito sakin.
"Hoy!, ikaw kaya itong pumatol!, alam mo bahala ka na d'yan! Naninisi ka pa eh!" Sabay lapag ko ng damit na may yelo sa gilid nya.
"Eto naman hindi mabiro!, teka ano bang ginawa sayo nang hayop na yon at masabi na sa tito mo para paalisin na rito!" Sabi nito.
"Aishhhh, ayokong malaman 'to ni tito" sabi ko.
"Sabi mo eh!"
"Teka ako na nga d'yan!, hindi mo naman nadadanpian yung tamang part eh!" Sabi ko sabay agaw ko ng damit na may yelo.
Nung natapos ako sa ginagawa ko ay kinuha naman ni bryan yung dala dala nyang medkit kanina.
"Oh eto!, para sayo yan!, may binili ako dyang pwedeng ipahid sa butthole mo para mabilis na gumaling at hindi na ko mag alaga ng katulad mo, sakit mo kaya sa ulo alam mo ba yon" sabi nito.
"Thankyou ha!, alam mo bang na-appreciate ko ng sobra as in sobra!" Sarkastiko kong tugon.
"Ano pang hinihintay mo?, dumapa ka na!" Sigaw ni bryan sakin.
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world