Chapter 50 Señorito

1.7K 123 1
                                    

Louis POV

"Card of the mermaid" mahinang sambit ko at lumabas na nga ang card ni aquarius.

"Labas aquarius!" Sabi ko.

Katulad pa rin ng dati ay may malakas na kidlat na tumama sa harapan ko at lumabas do'n si aquarius.

"Master" sabi nito sa malamig na boses.

"Pwede bang pagalingin mo sila?, please" turo ko kila marcus at mae.

"Masusunod po" sabi nito.

Agad agad naman syang lumapit kila marcus at mae.

Itinuon ko naman ang atensyon ko sa lalaking kaharap ko.

"Now shall we?" Sabi nito.

Bigla namang lumipat ang screen sa picture ng dalawang magkasintahan.

"Yung babae ay si lara at yung lalaki ay si arturo. Sila ang mga magulang mo" paunang paliwanag nito.

"Si lara ay kapatid ko so tito mo ko, nasa lahi namin ang mga gumagawa ng krimen, nagnanakaw sa mga mayayaman at binibigay sa mahihirap, kami ang tumutulong sa mga mahihirap na makaahon pansamantala, 18 years ago sinilang ka ni lara at 18 years ago rin ay nagkaroon ng malawakang laban sa pagitan ng gobyerno at organisasyon namin. Sila ang nag umpisa pinatay nila ang kasamahan namin ng walang kalaban laban kaya wala na kaming nagawa kundi lumaban"

"Isa na nga sa nanguna sa paglaban ay si mellanie castillo at marami samin ang namatay, pero di lang yon dahil walang kalaban laban na kinuha ni mellanie kay lara ang batang ikaw. Nabaliw si lara non dahil pati ang asawa nyang si arturo ay namatay sa laban hanggang sa nagpakamatay ito" sabi nito, halatang malungkot sya dahil sa nangyari.

"Matagal ka namin hinanap at napag alaman naming dinala ka ni mellanie sa mortal world kaya naghiganti kami sakanya at pinatay namin sya" sabi nito.

"Lahat ng kinuwento ni Headmistress sayo ay hindi totoo, pinaikot ka lang nya" dagdag pa nya.

"Papano ako maniniwala?, wala kayong ebidensya na magulang ko nga yan" turo ko sa screen.

"Hindi pa ba halata?, mag kamukha kayo sa mata at ilong, hindi lang yon dahil nag preserve kami ng dugo ni lara at ginamit namin yon para imatch sa dugo mo at tama nga ang hinala namin dahil totoo ngang anak ka ni lara" si señorito.

"Matagal ka naming hinanap sa mortal world at nung nahanap ka na namin ay hindi pa rin kami maka lapit sayo dahil may palihim na nagbabantay sayo, tauhan ni Headmistress" si marcus.

"Huh?" Naguguluhan kong tanong.

"Yung pag atake ng naka red cloak sainyo?, hindi yon galing samin kundi galing mismo kay Headmistress. Lahat ay set up lang para mapunta ka rito at magamit nila ang mga spirit
O guardian mo once na magkaroon nanaman ng digmaan sa pagitan ng gobyerno at organisasyon. Dahil alam nila na talo na sila dahil masyado na kaming malakas at di na mapipigilan" dagdag pa ni señorito.

"Pasensya na dahil naguguluhan pa rin ako" sabi ko.

"Ang tinuturing mong mama gwen?, alam nya ang lahat. Di ka ba nagtataka dahil pumasok ka sa opal academy ng walang entrance examination dahil plano na nila yon simula pa lang"

"So alam din 'to ni rose?" Tanong ko.

"Alam nya, nabasa ko ang isip nya kanina nung pumasok ako" si mae.

Magaling na pala yung mga sugat nila pero parang di pa totally magaling dahil pa ika-ika pa rij sila lumakad.

"Totally yung pagkakakilala niyo ni rose nung highschool kayo ay set
Up lang din" sabi ni marcus.

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon