Chapter 54 Merge!.

1.7K 124 3
                                    

Louis POV

"Haaaaay!, alam mo bang kanina pa ko inaantok!" Sigaw ni bryan.

Nasa kwarto nya ako at parehas kaming nakasampa sa kama.

"Akala mo ba ikaw lang?, ako rin no!" Sabi ko sabay hampas ng unan sakanya.

"Pero ang daya mo ah!, kumpleto ka sa gamit dito!, may tv at magandang cr, meron ka ring malambot na kama at higit sa lahat solo mo rito di tulad samin na share share pa kami!" Dagdag ko pa.

"Ang sabi ko naman diba na dito ka nalang maki-room, payag naman ako eh tsaka di kita gagapangin openminded ka ba?. Pero buti nalang naisip mo yung bagay na yon!, kahit si mae hindi mapapansin yung ganong bagay!" Si bryan.

"Syempre ako pa ba!" Ngising sabi ko sakanya.

//FLASHBACK\\

"Punta tayong cr papaliwanag ko kung anong plano"

"Ha!, ayoko!, di nga ko pumapatol sa mga kagaya mo diba?!. Ayoko talaga"

"Bobo!, gusto mo bang matulog sa malambot mong kama?"

"Syempre naman!"

"Edi sumunod ka!, kung ayaw mo edi wag mo!"

.
.
.
.
.
.

"Ano bang balak mo?. payag na ko!, kung gusto mo talaga tong katawan na 'to sige papayag na ko pero mabagal ako labasan at kailangan mo talagang trabahuin"

"Hoy tanga!, wala akong pake sa katawan mo!"

"Eh ano pala?"

"Card of the twin!, labas gem, mini"

"Master!"

"Hi master!, anong gusto mong ipagawa samin?"

"Pwede nyo bang gayahin itsura ko at nitong kasama ko?"

"Oo naman po!"

"So eto pala plano mo!, talino ah"

"Wow!, gan'to pala talaga ako kapogi!"

"Hoy tama na yan wala na tayong oras!. Gem, mini, gusto kong magmeditate kayo sa free space sa labas ng limang oras, sabihan ko nalang kayo pag tapos na okay?"

"Opo"

"Opo master!, ang duya mo ah!"

"Shhh, sige na kilos na!"

//End of flashback\\

"Bahala ka d'yan dahil sasamantalahin ko na tong pagkakataon na 'to na makatulog!" Sabi ko sabay balikwas ng higa.

"Di mo naman siguro ako rereypin hindi ba?" Lokong tanong nito.

"Gusto mo na ba talagang mamatay?, sabihin mo lang please para isahang galaw na lang!" Iritadong tanong ko.

"Eto naman hindi mabiro"

"Pero LQ talaga kayo ngayon ni marcus no?, dahil ba sakin?. Gusto mo bang sabihin ko na hindi yon totoo?" Sinserong tanong nito.

"Nahhh, wala naman akong dapat patunayan diba?, tsaka walang kami para saan pa?" Balewalang sabi ko.

"Ikaw. ikaw na nga tutulungan eh"

"Di ko kailangan, kaya kong mag isa"

"Pero alam mo!, matagal ko nang kilala si marcus pero napakataas ng pride n'yan promise, kailangan ikaw unang mag approach sakanya"

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon