Chapter 30 ANG PLANO!

2.2K 163 15
                                    

Louis POV

Ngayon kasalukuyan kaming tumatakbo ni zedrik para iwasan ang mga dragonfly na humahabol samin

"Louis palabasin mo kaya si lea para sya nalang yung lumaban dyan!" Si zedrik.

"Satingin ko hindi rin makakatulong si lea dito, fire type ang mga nilalang na yan. Siguro immune na sila sa apoy!" Sabi ko.

"Tafalia from section 1D is now eliminated!!!" Malakas na sabi ni mc1.

"Card of the bull" sabi ko at lumabas ng isang baraha. "Labas tauro!!!" Malakas na sabi ko. Pinalitan ko yung pangalan ni taurus bilang tauro dahil baka mahalata nila.

Bigla naman lumabas si taurus sa ilalim ni lupa sa anyo ng animal beast form nito.

"Master anong gusto mong gawin ko?" Sabi ni taurus sakin.

"Maglabas ka ng energy ball tauro at ipatama mo sa mga dragonfly na yan!" Utos ko.

Bigla namang nagliwanag ang sungay nito at nagkaroon ng isang bilog na kasing laki ng bola. Hinagis ni taurus ang energy ball sa mga bubuyog at nagdala ito ng malakas na pagsabog.

"TAKBO!!!!" malakas na sigaw ko kaya tumakbo  kami papalayo sa mga dragonfly samantalang nagpaiwan naman si leo sa lugar para magkaroon kami ni zedrik magpakalayo layo.

Nung nakalayo na kami ay nagpahinga kami ni zedrik sa malaking ugat ng isang puno.

Bigla namang may lumipad lipad sa kinaroroonan namin na isang makulay na paru-paro.

"Ang ganda!" Manghang sabi ni zedrik.

Bigla naman itong dumapo sa balikat ni zedrik.

"HooooOo!!, ang cute!!" Sabi ni zed.

Biglang hinawakan ni zedrik ang paruparo at ilang sandali lang ay bigla nalang naging puti ang mata nya.

"Oh my gosh zedrik!!!" Alalang sabi ko sakanya. Nanating nakaupo lang si zedrik at nakadilat ang mata nito perp puti lang ang makikita at parang natutulog lang sya.

Bigla namang may sumulpot sa harapan ko na anim na paruparo at pareparehas sila ng kulay at laki, akmang lalapit na sana ito sa'kin pero tumayo ako agad.

"Card of the lion" biglang lumabas yung card ni leo. "Labas leo!" Lumabas si leo sa animal beast form nito.

"Master!"

"Leo sunugin mo yang mga nilalang na yan!" Sabi ko.

Bigla namang naglabas ng apoy si leo at binugahan nya ang mga paruparo at nasunog silang lahat.

Agad ko namang kinamusta si zedrik kung ok lang ba sya pero nananatiling nakatulala lang sya at ang mga mata nya ay puti pa rin.

"Shit!, ano bang gagawin ko!" Sabi ko sa sarili ko.

"Sa pagkaka-alam ko, ang mga sinunog ko kanina ay mga 'dream butterfly'. Lahat ng mga nabibiktima nila ay nilalagay nila sa pinaka malalim na panaginip!" Sabi ni leo sa isip ko.

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon