Louis POV
Kinuha ko yung ballpen sa bulsa ko nung pinindot ko ang pindutan nito ay nagtransform ito bilang isang katana.
The
"Ikaw!, kaya mo bang pigilan sa pag kilos yang halimaw na yan?!" Tanong ng babaeng may maikling buhok kay zedrik."Kaya ko pero sa maikling panahon lang. tatlumpung segundo" sagot ni zedrik.
"Ok na yon!. Ngayon kayong lima, kailangan nyo ilihis ang atensyon ng halimaw kay louis!. Pag sumenyas na ko, ikaw zedrik papahintuin mo ang pag galaw ng manok"
"Pumwesto na kayo!" Sigaw ng babaeng mahaba ang buhok.
"Create: flag!" Sabi nung babae at nagkaroon sya sa kamay nya ng limang flag.
Iwinagayway nila ang flag kaya ang buong atenson ng halimaw ay napunta kila michael.
Pumwesto naman kami sa pinaka likod nung babaeng maiksi ang buhok.
"Alisin mo nga yang nasa isip mo!, dont worry di kita bibitawan!" Sabi nito.
Tumango naman ako sakanya bilang tugon.
Hinawakan ko na ng mahigpit yung dala katana ko at nag handa na para sa plano ko.
"Bat ayaw mo nga palang palabasin yung iba mong guardian para patayin yang halimaw na yan, sa kapangyarihan palang nila wala pang ilang segundo patay na yan ah!" Nagulat naman ako sa sinabi nya.
Sheyt. Pag lalong mas tumatagal kaming magkasama mas nalalaman nya yung sikreto ko.
'Bat nga ba?, kasi di ko pwedeng ipagkalat sa iba yung sitwasyon ko' sabi ko sa utak ko.
Tumango naman sya sakin.
"Matagal pa ba kayo dyan?" Sigaw samin ng babaeng mahaba ang buhok.
Bigla bigla naman akong bumulusok pa taas kaya bakaramdam ako agad ng takot. ~acrophobia.
Shit napaka taas ko na!!!, nakakalulaa!!!!!, ayoko na bat ko ba kasi to naisip!!!!.
"Isipin mong ilusyon lang to!, bilisan mo!" Sabi sakin ng babaeng kasama ko.
Shit gusto kong isipin na ilussion lang to pero putragis mas natatakot ako!.
Wag kang titingin sa baba!.
Wag kang titingin sa baba!.
Wag kang titingin sa baba!.
WAG KANG TITINGIN SA BABA!, tama kaya ko to!.
Patuloy lang ako sa pag taas. Nung nakarating na ako sa bandang leeg nya ay nakita ko na yung pakay ko.
Mayroon kasing maliit na butas sa partenh leeg nya. Pinalaki ko sya para mas lumaki rin yung butas, yun lang kasi yung pinakaweak part nya dahil pag pinatatamaan nila yung halimaw ay lagi nyang pinoprotektahan ang parteng yon at wala rin kaming pag asa kung titirahin namin yung bandang ulo o tyan dahil balot ito ng mga matitibay na balahibo nito.
Humiwa ako ng malaking hiwa sa leeg nito kaya nagkaroon ng pagdurugo.
Isa pang hiwa, sinabayan pa ng isa at isa pa kaya yung leeg nya ngayon ay marami ng lumalabas nasariwanv dugo.
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world