Chapter 22

2.5K 179 7
                                    

Louis POV

Nagising ako sa isang malakas na sampal na di ko alam kung kanino galing kaya minulat ko ang mata ko at nadatnan ko sina....

"Rose!, elena!, anong ginagawa nyo sa kwarto ko!" Pasigaw kong sabi.

"Hayy nakooo nakalimutan mo nanaman" rose rolled her eyes "pilian ngayon ng club!, di ka ba nakikinig kanina sa sinasabi ko!" Sabi ni rose.

"Ay weh sige magbibihis na ko!" Sabi ko.

"Hindi masyado na tayong late at tingnan mo kami nakapambahay lang kami kaya go na" sabay hila sakin papunta kay elena.

Nagteleport kami sa may malawak na field ng academy at maraming tao ngayon na nagkalat sa paligid.

Napapansin ko naman yung mga ibat ibang club na nagbibigay ng mga flyers para sa mga club nila.

Mga normal lang naman yung karamihan sa mga club like cooking club, dressmaking club, electronic club, sports club, math club, science club, beauty care club at maraming marami pang iba.

"....At pag sumali ka kahit isa lang dyan louis may dagdag points sa final grade natin at good thing tuwing friday at saturday lang ang meeting" paliwanag ni rose.

Nakita ko naman yung kumpulan ng mga kaklase namin na nakatayo sa may ilalim ng pole.

"Andyan na pala sila!" Malakas na sabi ng isa naming kaklase.

"Ano bang pref nyo na club?" Tanong ni jerome.

"Ahm akin dressmaking. gusto kong matuto gumawa ng mga damit o gown!" Sabi ni elena.

"Ahm akin siguro sa hmmmm. Tama beauty care club kasi halata naman sa angelic face ko" sabi ni rose.

Di nalang nila pinansin yung kay rose siguro unti unti nagiging immune na sila sa ka gagahan nitong babaeng to!.

"Eh ikaw louis ano sasalihan mong club?" Tanong ni elena.

"Ahmmmm siguro sa cooking club nalang ako dahil gusto kong magluto" sabi ko sakanila.

Napansin ko naman yung ibang boys di nila ako matingnan sa mata pero si jj ang lagkit makatingin!.

Ngayon ko lang napansin yung suot ko na short na above the knee at oversized shirt na halos lagpas na sa short na suot ko.

Bwisit ka jj!.

"Ikaw elena sumama ka sakin dahil parehas tayo ng sasalihang club ikaw rose kasama mo sila eloisa sa beauty club at ikaw naman louis kasama mo sina jj" sabi ni jerome.

Nag divide kami sa maraming bilang at kasama ko ngayon ang manyakis na jj, abigail at si bella.

Papunta kami ngayon sa may isang tent para mag fill up dahil sila ang pipili kung sino ang magiging member nila at kung di ka mapipili ay sad to say pipili ka ng panibago.

Nung natapos kaming apat mag fill up ay naglibot libot muna kami sa ibat ibang tent.

Nakita ko naman si rose na magisa at naglilibot kaya pinuntahan namin sya.

"Oh rose nasan mga kasama mo?" Tanong ko sakanya.

"Ah nag cr sila kaya di na ko sumama at naglibot libot nalang ako dito" sabi nya.

"Tapos na ba kayo mag fill up ng form?" Sabi ko.

"Kanina pa!"

"Ah ganon ba" sabi ko.

"Ahmmm guys pwede bang mahiram sandali si louis, may bibilhin lang kami!" Paalam ni rose kila abigail.

"Sure no prob. Basta ibalik mo sakin yan ah!" Si jj!

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon