Chapter 43 1v1

1.9K 136 6
                                    

Louis POV

Dali dali kaming lumabas ni rose sa mini clinic sa arena kaso lang biglang nag announce yung host na simula na ang laban kaya pumunta na sya sa gitna at ako naman ay dali daling umakyat sa hagdanan.

"Kahit si mae na nasa section S na laging nangunguna sa mga activity di naging ganon ka close kay headmistress!, tas ikaw na pipitsuging taga section C lang. Bakit ano bang meron sayo? Ha!"

Siguro kailangan ko munang umieas kay headmistress dahil may kung ano sa utak kong nagsasabi na tama si matilda at kahit naman may labindalawang guardian ako di naman ako ganon ka spesyal sa sinasabi ni headmistress. Masyado nga kong mabilis mapagod at feeling ko di ko deserve na maging master nila taurus dahil mahina ako emotionally at physically.

Habang binibilisan ko ang pagakyat sa hagdanan at sinasamantalang di nakatingin si headmistress ay bigla bigla nalang na di gumalaw ang kayawan ko. Para lang syang nag pause na movie pero katawan ko lang yung di gumagalaw. Parang alam ko tong ability na to.

Bigla namang kumilos ang katawan ko taliwas sa mga inaasahan ko, unti unti ito g humakbang pababa at pumunta sa kinaroroonan ni headmistress, bigla nalang itong yumukod at pagkatapos non ay umupo katabi ni headmistress. Di manlang ito lumingon saakin perp alam kong kagagawan nya yung mga galaw ko kanina. Marionette.

"Sa tingin mo ba na may favoritism ako sainyo?" Mahinahong tanong sakin ng headmistress.

This time wala na ko sa kapangyarihan nya.

"Hi-Hindi naman p-po sa ganon he-headmistress" utal utal na sagot ko rito.

"Oo may favorite talaga ako sa bawat level ng estudyante, pero hindi lang ako basta bumabase sa kung anong spirit, ilang guardian meron ka. Bumabase ako sa critical thinking mo, pano ka humanap ng butas sa isang problema at papano mo ichecheer ang iba, palakasin ang iba. Yung lover mo na si renzo isa ka sa mga hinahangaan nya sa—"

"Hala headmistress di ko po sya love—"

"Shut up!. Hinahangaan ka nya kung papano ka mag isip at mag plano, si rose, at iba pang mga kaklase mo. Halos lahat ng lalaki sa room mo ay humahanga sayo di lang dahil may itsura ka kundi kung papano mo sila binabago at papano mo sila iniipluwensyahan. Liban kay aj" sabi ni headmistress.

"Aj?" Takang tanong ko.

"Oo, ginagamit nya yung ability nya sa sarili nya, ginagawa nyang numb ang sarili nya para di makatamdam ng sakit o kahit pa magmahal" sabi ni headmistress.

"Pero bakit po?, i mean bat nya ginagawa sa sarili nya. Na try ko yung ability nya at masasabi kong isa yung bangungot!, ayoko na maranasan yon!" Sabi ko rito.

"Natatakot sya yun lang ang alam ko" makahulugang sabi ni headmistress.

Panong natatakot?.

Bigla namang may sumulpot na malaking screen sa harapan namin.
Nandoon yung mga mukha ng mga nakapasa sa pagsubok at nakadevide sila each group.

"EXCITED NA BA KAYO!!!!!" Malakas na sigaw ng host.

Halata naman ang pagkakaexcite ng mga tao sa arena dahil sa lakas ng tilian nila.

"IDADAGDAG KO LANG SA MGA RULES. LAHAT NG LALABAS O MAKAKALAGPAS SA REDLINE AY AWTOMATIKONG TANGGAL AT KUNG SINONG NATIRA. SA STAGE AY SYANG PANALO!. NGAYON UUNAHIN NATIN ANG UNANG GRUPO NA NAKALAGPAS SA HULING PAGSUBOK!" Malakas na anunsyo ng host.

Bigla namang naglaho ang grupo nila rose at renzo sa screen tanging natira lang don ay ang grupo nila jj at aj.

Bigla namang nag shuffle ang mga picture nila at unti unting naglaho ang ibang mga picture tanging natira lang don ay ang dalawang tao.

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon