Chapter 38 the truth

2.1K 140 6
                                    

Louis POV

Ang kaninang dark orb na dapat bumulusok kay mae ay nakalutang labg sa ere.

Kanya kanya naman kaming nagbigay ng paggalang kay headmistress na nakatayo sa harapan ni mae.

"Uulitin ko ang tanong ko. Anong kaguluhan to?, sinong nag umpisa?, at anong dahilan?" Madidiing tanong ni headmistress.

Nananatiling tahimik ang lahat at di manlang nagsasalita.

Nakakatakot pa rin talaga sya.

"Rose?" Banggit ni headmistress.

"Headmistress. Habang nag jojogging po kami kanina ay bigla nalang nanggulo tong dalawang to!, pinagbibintangan nilang si louis ang gumawa ng 'bagay na yon' kay hildred!, na hindi naman totoo" paliwanag ni rose.

"Chineck namin ang attendance log sa dining hall nung gabing nangyari kay hildred at natagpuan namin na wala ang pirma nitong dalawang to bilang tanda na umuwi ka na. Tinanong namin si louis kung nasan sya noon at sabi nya na nasa kwarto raw sya ni renzo. So it means na pinagplanuhan nito ang ginawa nila kay hildred" si matilda.

"At alam naman natin na magkagalit sila louis at hildrend from the beginning" si sheena.

"Kayong lahat maliban sa section na to ay bumalik na sa kanya kanyang gawain! O klase" utos ni headmistress kaya kanya kanyang alsabalutan ang mga tao na kanina ay nanonood samin.

"Sheena at matilda, nagkakamali kayo, hindi si louis at mas lalong di nagplano sila louis at renzo na pagtangkaan ang buhay ni hildred"

"Pero bat ayaw nilang sabihin samin kung anong dahilan at bakit nandoon si louis sa kwarto ni renzo gayung dapat nasa dining hall sila?" Tanong ni sheena.

"Kayo bang dalawa ay may tiwala sa headmistress?" Tanong ni headmistress.

"Oo naman po!, nakwento po samin ng parents namin na patas po kayo humatol" si sheena.

"So kung may tiwala kayo sakin dapat makinig kayo sakin at magtiwala rin sa mga sasabihin ko"

"May matinding pinagdadaanan si renzo kaya kinailangan nya si louis para mapagaan ang yung dala dala nya. nagkwentuhan sila about family background ni renzo, na pribado na"

"Nag embistiga kami tungkol doon sa nangyari. Sabi ng dati kong estudyante na isang seer ay babae ang gumawa non. Nalaman ko na nagkaroon ng butas ang barrier na pumoprotekta sa aking paaralan kaya may nakapasok na taga labas" paliwanag ni headmistress.

"Taga labas?" Naguguluhang tanong ni mae.

"Balck clover. Naguumpisa nanaman sila" si headmistress.

"Oh my gosh!!. To-Totoo po ba?" Utal na sabi ni sheena.

Napansin ko naman sa mga kaklase na ko na parang gulat na gulat sila.

"Teka!, ano pong meron?" Naguguluhang tanong ko.

Sandaling katahimikan ang namayani samin. Nagaantay lang ako ng sagot na manggagaling sakanila pero di pa rin sila sumasagot.

"Ano bang meron?, ano yung ba-balck c-clover" tanong ko.

"Louis isa yung organisasyon na tumutuligsa sa pamahalaan natin. 18yrs ago sumalakay sila rito, nagdala sila ng gulo sa buong procyon. Maraming namatay, sugatan at nasirang mga infrastructures. Buti nalang naagapan pa sila sa pangunguna ni mellanie castillo, isa sya sa mga kumalaban sa balck clover at nagtagumpay sya nahuli ang leader nila at sinentensyahan ito ng habang buhay na pagkakakulong" paliwanag ni headmistress.

"So ibigsabihin malilinis na yung pangalan ko?, i mean hindi na ko suspect and at the same time di na ko pagbibintangan diba?, diba headmistress?" Paninigurado ko.

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon