Chapter 62. Welcome

2K 117 5
                                    

Louis POV

"Mj!, bilisan mo naman nag make up d'yan!, tapos ko na ma-pack yung product!, bawal 'to mahuli!" Sigaw ko mula sa baba.

"Mag antay ka nga!, kaunting blush on nalang at..... done!" Sigaw nito.

Bumaba naman ito na pakak na pakak yung make up!.

"Eto ba yung product?, baka mamaya mali 'to ah!, ayokong mapahiya sa pagdedeliviran ko!" Paninigurado nito habang hawak ang isang box.

"Yeah!, COD yan ah" sabi ko.

"Ok!" Sabi nito.

Kinuha nya naman yung susi ng motor nya sa lamesa at dali-daling umalis.

"Dj!, kanina ka pa dyan sa salamin!, sabi ko nga sayo maganda yung pula kaysa sa itim!. Diba nga first day mo ngayon sa company na yan as a helper?, kung makaporma ka dyan akala mo naman ikaw yung boss!, bilisan mo na at malalate ka na!" Sigaw ko sakanya.

"Haaay nako!, hindi mo kasi alam pumorma!, tsaka malay mo naman may mabingwit akong 4m d'yan sa tabi tabi at iahon tayo sa hirap edi tiba tiba tayo di nyo na kailangan mag trabaho!"

"Tigil tigilan mo na ko sa mga ganyan mo!. Sa kakapangarap mo ng matandang mayaman madaling mamatay nung nakaraan ako ang nag pyansa sayo!, buti mayrong pyansa kundi sa kulungan ka pa rin hanggang ngayon kaya itigil mo na pagiging kabit!" Sermon ko.

"Haaay nako ang aga aga!, ano bang kaguluhan 'to!?" Si rachel.

"Eto kasing si dj!, nag babalak nanaman!"

"Hoy dj!, wag mo kong bigyan ng kahihiyan!, ikaw nalang pinag uusapan dito sa lugar natin?, mahiya ka naman!" Si rachel.

"Blah blah blah!, aalis na ko ayoko na makarinig ng sermon nyo!" Sigaw nito sabay alis.

"Tingnan mo 'to!" Si rachel.

"Day off mo ngayon diba?, baka naman samahan mo ko ma-mili wala nang laman sari-sari store, ayoko pumunta mag isa sa grocery"

"Kaya mo na yan!, malaki ka na!, tsaka may ka-date ako ngayon. Nakilala ko sya sa bumble—"

"Ilang araw na kayong magkachat, aber?"

Bigla naman nitonh tinignan ang orasan nya.

"5,4,3,2,1... isang araw na"

"Tingnan mo 'to!, pang 50 mo na yan ngayong taon ah, not to mention june pa lang ngayon"

"Whatever. maliligo na ko" sabi nito sabay akyat.

"And we'll never be royals (royals)
It don't run in our blood
That kind of luxe just ain't for us
We crave a different kind of buzz
Let me be your ruler (ruler)
You can call me queen Bee!

AND BABY I'LL RULE, I'LL RULEEEE!!!!!" Biglang pasok ni anarose.

"HOOOY!, ANG INGAAAY MO!, KAYA KA LAGING NA CHI-CHISMIS SA KANTO EH!" Sigaw ko sakanya.

"Eto naman!, kJ!" Pataray na sabi nito.

"Hoy hoy hoy!, ano yang nasa likod mo aber?" Sabi ko sabay silip sa likod nya.

"Mga poster ni finn!" Sabi nya sabay pakita ng mga limang poster.

Napa face palm nalang ako.

"Anarose!, okay lang naman sakin na punuin mo ng picture ni finn wolfhard yung buong kwarto mo pero sana naman!, SANA NAMAN! Wag na umabot sa cr o sa labas ng bahay!"

"Di na kasya e—"

"Yun na nga!, di na kasya kaya wag ka na bumili ng ganyan!, by the way tapos mo na ba yung cookie?, may nag order" sabi ko.

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon